x41 Black Serpentes Gang

76.9K 2.2K 102
                                    

Authors P.O.V.

Habang nag uusap sila Diane at Russel, umaaligid na ang Black Serpentes Gang. Ang gang na ito ay pangalawa sa Top ng mga Gangsters dito sa Pilipinas at buong mundo.

Hindi nila matanggap na pangalawa lang sila kaya marami silang paraan para maagawa ng ranggo ng Scorpion Gang.

Kabilang sa Black Serpentes Gang ay ang ama ni Kence na siya ang dahilan kung bakit namatay ang nanay ni Diane. Kabilang din si Sunny na ex ni Kence. Nalaman ni Sunny na si Diane at Princess Scorpion ay iisa. Kaya nag babalak si Sunny na agawin ang trono sa gangster at ang taong mahal niya noon na si Kence.

Habang nag sasalita si Diane kausap si Russel ay binaril siya gamit ang sniper pero hindi ito baril na nakakamatay kung hindi gamot na pam patulog.

Sinakay ng mga lalaking naka itim si Diane at Russel at dinala sa isang lumang resort na may kalayuan din sa resort nila Russel.

"Welcome to hell Princess Scorpion" sabi ni Sunny.

***

Kence P.O.V.

Ilang linggo na ang nakalipas pero hindi pa din mawala ang sakit sa puso ko. Alam kong hindi pa ako napapatawad ni Diane. Pero oras na makita ko ang walang hiya kong ama, hindi na ako mag dadalawang isip na patayin siya. Masama man pero handa akong gawin yon dahil hindi siya tao.

Isa siyang demonyo.

"Kence. Sana mag agree si Dwayne sa gagawin natin." Sabi ng ate ko. Salamat at nandito si ate. Katulong ko siya sa pag huhuli sa tatay namin.

"Sana nga ate. Para din sa nanay niya ang gagawin natin"

"Makikipag usap ako sa ibang Team Dragons. Alam ko na alam na nila ang tungkol sa pamilyang Park-Sy" sabi ni Khey na ate ni Kence.

"Good luck" at umalis na si Kence. Pupuntahan niya si Dwayne sa mansyon ng mga Park-Sy

---Park-Sy's Mansion---

Authors P.O.V.

Maraming gwardiya ang nasa labas at loob ng masyon ng mga Park-Sy dahil ipinag utos ito ni Dwayne para sa seguridad at walang mapahamak na ibang tao.

Hindi na nag dalawang isip si Kence na mag punta sa harap ng malaking gate para pumasok. Agad naman siyang hinarang ng isang gwardiya.

"Anong kelangan mo?" Tanong nito kay Kence

"Nandiyan ba si Dwayne?" Tanong nito sa gwardiya.

"Sino ka naman?" Tanong ulit ng gwardya.

"Kence.Kence Anderson. Kelangan ko siyang makausap"

Nag voice message ang gwardya at nag sign na pumasok na siya. Nag taka naman si Kence at pinapasok siya.

"Hindi kaya sumang ayon agad si Dwayne sa gagawin kong plano" sa isip isip ni Kence. Napabuntong hininga nalang ito.

Pinapasok siya n ng isang maid at nakita si Dwayne sa sala.

"Anong kelangan mo?" Diretsong tanong ni Dwayne kay Kence.

"Gusto kong mag tulungan tayo sa pag hahanap sa tatay ko" Kence

"Hahahaha. Tulong? Kung mahal mo ang kapatid ko, hindi ka hihingi ng tulong. Mag kukusa ka. Pero hindi mo pala siya mahal. Diba nilalait at sinasaktan mo siya?" Aminado naman si Kence sa narinig niya mula sa kapatid ni Diane.

"Oo nasaktan ko siya. Napabayaan kong laitin siya ng marami dahul sa akin. Patawarin mo ako Kence. Sige kung ayaw mo. Ako nalang mag isa ang gagawa" pahayag ni Kence kay Dwayne.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon