x55 Sunny

48.5K 1.3K 118
                                    

Diane P.O.V.

Nakakatuwang pag masdan ang malapit nang palubog na araw mula sa kalangitan. Ang sarap sa pakiramdam na kasama mo ang taong mahal na mahal mo. Panonoodin ang sunset. Ang sarap sa pakiramdam na wala nang hahadlang sa relasyon namen ni Kence.

Nag kapatawaran na ang dalawang panig. Si Kence at Kuya Dwayne. Tanggap na din ni Russel na si Kence talaga ang mahal ko. Ayos lang naman daw dahil mahal niya ako bilang kaibigan. At wag daw mag kaka maling paiyakin ako kung hindu aagawin ako ni Russel mula kay Kence.

Pero parang hindi na, napapansin ko, nagiging sweet na si Russel kay Khey. At masaya ako para sa kanila.

Yung kanina palang pag papanggap. Totoong kinabahan ako sa nangyari. Akala ko, may mawawala na naman sa buhay ko. Sobrang tawa nanng tawa sila kuya Dwayne at Clare kaya hindi na nila na ipaliwanag kung bakit ako sinet up. Mukha nga ding nag kaka roon na nang love kay kuya at Clare eh. Sa pag aasaran mag sisimula ang lahat. Si Russel na ang nag paliwanag at thankful sila dahil nag work daw. Pinaghandaan daw nila yon. Kung sakaling hindi mag wo work, meron pa silang Plan B. Pero gumana yung Plan A kaya no worries na.

Lahat tagumpay. Lahat masaya. Lahat nang mamahalan. Tignan niyo kami ni Kence. Haha. So corny pero eto kami ngayon. Sana, sana wala nanag humadlang pa.

"Babyloves, masyadong malalim ang iniisip mo" sambit ni Kence at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

"Hindi naman" sabi ko.

"Wee? Baka pumanget ka?" Pang aasar niya at he gave me smack. Sa labi. Na siyang dahilan nang pag ka kilig ko.

"Ano ba Babyloves, ginugulat mo ako eh." Sabi ko in pabebe way HAHAHA. Minsan lang akong maging corny kaya wag kayo diyan.

"Mahal na mahal kita" sambit niya.

"Mas mahal na mahal na mahal din kita. At wala nang makaka pigil pa sa akin" sagot ko sa kaniya.

Nandito kami sa roof top nang ospital. Dito namin napiling mag pahangin. Masyado na kasing common ang mga malls, parks and etchetera. Atsaka, naka discharge na din naman si Kence at ready to go home na. Kaya naman, naisipan muna namin dito sa rooftop. Kitang kita ang lahat nang buildings at masarap din ang simoy nang hangin.

"5.....

4....

3...

2..

1.

0" count down ni Kence kaya nag taka ako

"Bakit nag ka count----hmmmmp" sambit ko nang putulin niya ang sasabihin ko nang bigla niya akong hinalikan.

Tatangi pa ba ako? Mahal na mahal ko tong lalaking humahalik sa akin ngayon. Tinugon ko ang halik niya. Ramdam ko kung gaano niya ako kamahal. Binigay ko din ang mga halik ko nang may pag mamahal. Kung gaano ko siya na miss. Sobrang miss na miss. Sobrang haba nang halik niya na halos kainin na ang buong labi ko pero wala akong pake dahil mahal na mahal ko siya. Kung pwede lang ibigay ang sarili ko mapa tunayan kong mahal ko siya, pero hindi pa pwede.

Kung mahal mo, o mahal ka, mag hihintay kayong dalawa sa tamang panahon para ibigay ang mga sarili ninyo. Sa tamang panahon pa ang iniisip ko.

Tumigil ang aming pag hahalikan at hingal na hingal kaming dalawa. Nakita ko ang araw ay tuluyan nang lumubog.

"Mahal na mahal kita panget na nerd, prinsesa nang buhay ko, babyloves, Diane" sambit ni Kence at muli ay binigyan ako ng isang smack sa labi.

"Walang nag bago Kence. Mahal na mahal din kita" sagot ko at ngumiti nang pag ma tamis tamis.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon