x58 Kiss

43.5K 1K 115
                                    

Diane P.O.V.

Pasado alas otso na nang gabi nang makarating ako sa hideout. Sinalubong naman ako ni Kence at inayang mag hapunan na. Kumain naman kami nang sabay sabay. Kumpleto pa din at walang kulang.

Pinakain na din ang taksil. Hindi naman ako masamang tao para palipasan siya nang gutom. Maayos naman ang pag papakain doon sa babaeng iyon.

Pag katapos kong kumain ay nag paiwan muna ako saglit. Gusto kong mapag isa. Gusto kong maging malinaw ang lahat. Pumunta ako sa garden kung saan naman talaga komportable ako.

Umupo ako sa bench at tiningala ang ganda nang mga bituin at kalahating buwan na nag sisilbing liwanag.

Napangiti ako. Kahit papaano, nalutas ang mga problema namin. Kahit papaano, may sasaya at sumaya. Kaso hindi pa tapos ang lahat. Gusto kong malaman kung anong tunay na dahilan ni Ayana. Ayoko nang patagalin ito bago ako umalis.

Umalis.

Salitang ayokong marinig sa kahit na sino man. Nasasaktan ako. Muli ay nag babadya na naman ang mga luha ko. Napasinghap ako nang maramdam kong may humagod sa likod ko. Salamat at nandito ang mahal ko para masandalan ko.

Tumabi siya sa akin at niyakap ako.

"Diane, tell me. Anong nararamdaman mo?" tanong sa akin ni Kence. Ayoko. Ayokong masaktan siya. Gusto ko naman sumaya ! Sumaya kahit ilang araw lang.

"W-wala no. Ano ka ba" sabi ko at ngumiti na kahit alam kong hindi niya nakikita.

"Peke yang ngiti mo babyloves" sabi niya at kumalas sa pagkaka yakap.

"Bakit? May problema ba sa ngiti ko?" sabi ko at nag make face. Natawa naman siya.

"Ikaw kase eh, iiyak tas ngingiti bigla. Baliw na girlfriend ko" sabi niya at ginulo ang buhok ko.

"Baliw na baliw sayo" sambit ko at kinurot ang tenga niya. Napa aray naman siya.

"Babyloves naman, bakit kelangan mo pang kurutin tong tenga ko. Pwede namang abs ko nalang" sabi niya kaya naman tumawa ako.

"Bakit ? Meron ka bang abs?" tanong ko habang tumatawa pa den. Naka simangot naman siyang sumagot.

"Meron" sabi niya at pinakita niya sa akin. Wooooow. 6 or 8 packs ? Drool. Omg.

"Kanin nalang" bulong ko este sabi ko.

"Sabi sayo eh" pag mamayabang niya. Hinampas ko naman siya kaya for the second time napa aray na naman siya.

"Pambihira ! Abs ba yan? A Big Stomach babyloves?" sabi ko at tumawa ulit. Naasar naman ang mukha niya at ako naman tawa nang tawa.

Oo aaminin ko may abs siya. Pero syempre pakipot ako kaya kunware wala siyang abs. Pero pinag nanasaan ko na talaga to. Sorry spg hahaha.

"Ayan, tumatawa ka na babyloves" napatigil ako sa pag tawa sa sinabi niya.

"Kence" seryoso kong sabi sa kaniya.

"Bakit babyloves?" tanong niya at tinignan ako.

"Mahal mo ba ako?" nagulat siya sa tanong ko.

"Oo naman. Kahit buhay ko itataya ko dahil mahal kita Diane" sagot niya. Nabuhayan naman ako. Pero paano kung.

"Bakit mo nasabi yan babyloves. Ayoko nang mangyari ang nangyari dati. Hindi ko na hahayaan pang masira ulit tayo" sambit ni Kence.

"Kahit ako. Ayoko. Always remember that Iloveyou so much" sagot ko sa kaniya.

Tumingala siya, ganon din ako. Pinag masdan namin kung gaano ka ganda ang buwan at kalahating  buwan ngayon. Napaka peaceful. Sana palagi nalang ganito. Unti unting tumutulo ang luha ko pero pinipigilan ko lang. Ayokong makita ako nang taong mahal ko na umiiyak. Lalo na hindi niya alam ang dahilan. Kaya sobra akong nasasaktan.

Ms. Nerd TransformationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon