IKA-ANIMNAPUNG KABANATA
Malakas ang hangin sa labas pero kahit katiting na kaluskos ng mga puno ay hindi maririnig sa loob. Nakakamangha ang katahimikan.
Napaupo sa kama si Cassandra habang iginagala ang mga mata sa loob.
May telebisyon at WiFi naman sa k'wartong pinahiram sa kaniya pansamantala ni Greg, pero 'di niya pa rin maiwasang 'di mabagot. Nang wala na siyang ibang maisip gawin, nagdesisyon si Cassandra na lumabas ng silid at maglibot.
Napaikot ang mga mata niya habang binabagtas pababa ang kahabaan ng hagdan. Hanggang ngayon ay 'di pa rin siya makapaniwala sa laki ng tahanan nina Greg. Hindi sa nanghuhusga siya pero 'di kasi mahahalata sa binata na may tinatagong karangyaan ito. Saglit siyang napaisip nang sumagi sa utak niya ang pamilya ni Greg. Nandito rin kaya sila ngayon?
Napatigil si Cassandra sa paglalakad nang mapadpad siya sa parteng kusina. Tahimik na sinundan niya ang pinanggagalingan ng mga boses at doon niya nakita ang dalawang kasambahay na tila nagdedebate. 'Di niya napigilan ang sarili na makiosyoso.
"Ikaw na magdala nito kay Ma'am Isla, tapos ako na bahala rito sa isa."
"Ikaw, Remi, iniisahan mo 'ko ha!" Reklamo no'ng kasambahay na may maikling buhok. "Ikaw ang nagpi-presenta rito sa isang tray dahil alam mong kay Sir Greg iaabot 'yan,"
"Ate Patsy naman. Alam mo namang natatakot ako ro'n kay Ma'am Isla. Ayokong masigawan, ano! Kapag ikaw ang naghatid niyan baka 'di ka naman tarayan no'n dahil isa ka sa mga matatandang kasambahay dito,"
"Sinabihan mo na nga akong matanda, ako pa talaga ang iipitin mo rito. Ihatid mo na 'to kay Ma'am Isla!"
"Ate Patsy, ikaw na! Seryoso, mas malaki ang t'yansa na 'di magtataray si Ma'am Isla kapag ikaw ang naghatid niyan,"
"Paano ka nakakasiguro, aber? Alam mo namang walang sinasanto ang batang iyon!"
"Excuse me po," putol ni Cassandra at mabilis na napatigil sa pagtatalo ang dalawa. Kaagad na napalingon ang mga ito sa kaniya.
"Ay, magandang hapon po Ma'am..."
"Ma'am Cassandra po, tama ho ba?" Tanong ni Patsy. Cassandra nodded and they smiled at her. "May kailangan ho ba kayo, Ma'am? Nagugutom po ba kayo o nauuhaw—"
"Ay, hindi po." She shyly chuckled. "Ano um, pasensiya po kung nakikinig ako kanina sa usapan n'yo, pero kung okay lang, ako na lang po ang maghahatid no'ng tray kay Greg,"
Ilang segundong nakatitig ang dalawang kasambahay sa dalaga. Tila nabigla sa sinabi niya at 'di alam kung ano ang sasabihin.
"Um, kung ayos lang po sana." Muling ani Cassandra. Bahagyang nakaramdam siya ng pagkailang sa klase ng titig na pinupukol ng mga ito sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...