IKA-LIMAMPU'T SIYAM NA KABANATA (Huling Bahagi)
"Natanggap mo ba 'yung mensahe ni Lorenzo?"
Naguguluhang napatingin si Cassandra sa tiyahin. "Anong mensahe po?"
"Ang sabi niya'y baka sa susunod na linggo pa raw siya makakabisita rito. May emergency daw sa kanila,"
Nais sanang magtanong ng dalaga kung ano'ng emergency iyon, ngunit pinigilan niya ang sarili. Bakit pa 'ko mag-aabala? Alam ko na 'yon, she thought. 'Di naman ako mangmang. Ilang beses na bang nagsisinungaling iyang si Lorenzo? Minabuti niyang tumango na lang. "Okay po, T'yang."
Maya-maya'y tumayo si Chona at nagsimulang mag-imis ng kanilang pinagkainan. "Bakit ba 'di kayo nag-uusap? Ako'y napapaisip na talaga kung ano'ng problema ninyong dalawa,"
"Wala naman pong bagong problema, T'yang. Tulad pa nga rin ho ng dati," sagot ni Cassandra at kinuha sa kamay ni Chona ang mga platong pinagkainan. "Ako na po'ng bahala riyan,"
'Di na nakipagdebate pa ang tiyahin nito at iniabot kay Cassandra ang mga plato. "Sana naman ay magkaayos na kayo bago ka pa manganak. 'Di maganda sa bata kung isisilang siya sa isang kumplikadong sitwasyon."
Naging tikom ang bibig ng dalaga. Wala naman siyang laban sa sinabi ng tiyahin niya lalo na't may punto ito. Alam ng itaas na gusto niyang ibigay ang lahat sa anak niya, ngunit alam niyang malabong magkaayos pang muli sila ni Lorenzo. Kaya niyang bigyan ng payapang pamilya ang bata, pero sigurado siyang 'di niya maibibigay ang kumpletong pamilya na nararapat rito.
"Grabe, ilang araw nang umuulan."
Napakurap si Cassandra. Tila roon lang siya nakaahon sa mga iniisip. Napatingin siya sa tiyahin at do'n niya nakitang naka-pameywang ito habang nakasulyap sa bintana.
"May bagyo ba? Parang kakaiba ang ihip ng hangin ngayon,"
"Hindi ko lang ho alam, T'yang. Madalas na rin ho kasing 'di ako nakakanood ng balita."
"Maski ako. Masyado akong nagiging abala sa pananahi." She sighed. "Okay lang 'yung ulan, pero h'wag na sanang tumuloy at maging bagyo," nag-aalalang tugon ni Chona.
"Bakit ho, T'yang? Hindi po ba safe 'yung area natin dito in case magkaroon ng bagyo?"
"Ayaw kitang mag-alala, kaya ipagdasal na lang natin na kumalma sana itong panahon maya-maya,"
"T'yang naman," mahinang ani Cassandra. Gusto niya sanang matawa nang mahina sa sinabi ng tiyahin, ngunit pinigilan niya ang sarili. Hindi sa kadahilanang 'di siya relihiyoso, pero talaga bang dasal lang ang maaaring maging takbuhan ng tao sa isang sitwasyon lalo na kung kaligtasan n'yo ang nakasalalay? Ayaw niyang masamain ngunit alam ng dalaga na maiiwasan nila ang kapahamakan kung may gagawin sila mismo. "Madali po bang bahain itong lugar natin?"

BINABASA MO ANG
Alluring The Fire [Under Revision]
RomanceWARNING: SPG | Mature Content | R-18 All she was expecting from him was a grant to support her education; little did she know that he would give her more. ✼━━━━━━━━━━━━✼ ...