[0.7] 𝗕𝗲𝗳𝗼𝗿𝗲 𝗜 𝗙𝗮𝗹𝗹

27 2 0
                                    

[0.7]

𝗘𝘅𝗹𝗲 𝗘𝘂𝗿𝗶𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩

"Paro parong bukid ~ bukid paro paro." kanta ko while organizing the folders. Amboring naman kasi, wala bang mag aaya sakin makipag barilan?




Sinubukan ko makipag kaibigan sa ibang sundalo na nasa field pero sumalubong sakin ang mala laser na mata ni Cap. Zayden. Wengya nakikipag kaibigan lang naman ako eh. Hindi naman ako makikipag barilan sa kanila, magiging mabuting impluwensya din naman ako noh ngayong Associate na ako.



Bakit kaya ang sungit ni Capo? Siguro hindi siya nilalambing ni Major. Request ko nga mamaya na lambingin niya kasi bukas magpapaalam ako na lalabas ng LWA. Kahit papaano namiss ko ang outside world, epal naman kasi 'tong mga Mafia eh.



Amboring talaga hays. Wala na akong masyadong ginagawa ngayon, mag jackstone kaya ako dito?



"Bahay kubo kahit munti ~ ang plant doon ay sari sari. Singkamas at Eggplant, sigarilyas at peanut. Ano nga ba english ng Sitawwww!?" biglang bumukas ang pinto at kitang kita ko ang pares ng mga mata ni Major Samantha, nanlilisik na nakatingin sakin.




"Boses mo Exle. Umabot sa office ko." what? Eh ang hina nga ng boses ko, hindi nga natapos ang kanta kasi hindi ko alam English ng sitaw.




"Major mahina lang po boses ko hehe." nag peace sign ako pero hindi pa rin nawawala ang masungit na mukha ni Major.





Baka di talaga sila naglalambingan ni Cap. Tama tama, yun ang kasabihan. Ang taong kulang sa lambing, malamang masungit.





"Mahina ba yung umabot talaga sa office ko? May dumaan na sundalo kanina inakalang may bata dito sa campo." nagpanting ang tenga ko sa narinig ko. Anong bata?!




This is my natural voice and it's not bata duh.




"Ayusin mo na yang mga folders dahil bukas lilipad ka na naman sa kung saan saan." nanlaki ang mata ko at magpapaalam na sana ako pero sinarado na ni Major ang pinto.






Bastos din 'tong si Major noh?





Ganyan talaga kapag kulang sa lambing hahahahaha. Bakit hindi niya kantahan si Capo, lambing mo naman akooooo.


Ang dami ko palang liligpitin dito, plus may cases pa akong dapat pag aralan. Kahit ang daming Mafia's everywhere, aalis at aalis ako bukas dahil may bibilhin akong book about law and justice. And yes! Pangarap ko maging lawyer kahit ganito ako kaliit noh.




Pagkatapos magligpit ay lumabas na ako agad. Nagulat ako dahil nakasalubong ko yung taong iniiwasan ko mga ilang araw na. Tatalikod na sana ako pero walanghiya! Nakita pa rin ako.



"Pst bata. Samahan mo ako" sabi ng ayaw ko tawaging bata eh. May problema yata sila sa height ko, ako nga hindi na namomroblema eh tinanggap ko nalang. Kasi ganun naman ang buhay, tanggapin ang bigay ni Lord sayo.




"Hindi ako bata tangina mo! At saka anong samahan? Saan ka ba pupunta ha?" tumawa siya kaya napasimangot ako.





"Kakain lang. Libre ko tara na." kahit libre niya ayaw ko sumama. Hindi naman sa nag-iinarte ako, may dahilan kung bakit ayaw ko na lagi siyang dumidikit sakin.




"Ayoko nga." umirap ako at naglakad na palayo sa kanya. Napalingon ako kaagad nang marinig ko ang boses ni Sapphire.





"Ako nalang sasama Damian!" aba't- kumapit pa sa braso?!






The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now