𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 - [4]

19 1 0
                                        

[4]

𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩

(• 𝙁𝙡𝙖𝙨𝙝𝙗𝙖𝙘𝙠 𝙗𝙚𝙛𝙤𝙧𝙚 𝙩𝙝𝙚 𝙀𝙥𝙞𝙡𝙤𝙜𝙪𝙚 𝙥𝙖𝙧𝙩 •)





Nakatingin lang ako sa glass ng Intensive care unit, isa lang ang pwedeng makapasok at si Maia yung nasa loob. Kausap niya ang doctor at mukhang maayos naman ang pag uusap nila dahil wala akong nakikitang pagkabahala sa reaction ni Maia.










Naupo nalang ako. Hindi ko alam kung bakit nag stay pa din ako, kung tutuusin dapat sumama na ako kay Capo kanina nung nagpaalam siya para pumunta ng LWA saglit. Hindi ko maiwan yung taong nasa ICU ngayon na nag agaw buhay para ma save ako, kaming lahat.









Lumabas na yung doctor at si Maia. Patuloy pa din silang nag uusap hanggang sa umalis yung doctor at napatingin si Maia sakin.










"Pasok ka." huh?









"Uulitin ko pa ba?" kalmado pero ramdam ko pa din yung katarayan, tsk. Bat ba kasi nag stay pa ako dito?









Binigyan ako ng personal protective equipment nung nurse. Sinuot ko kaagad at pumasok ako, lumabas yung nurse at naiwan akong mag isa. Hindi ako agad nakalapit, huminga muna ako ng malalim bago ako lumapit sa kapatid ko.









Sabi nila, kahit comatose yung tao naririnig pa din daw nila yung boses natin. Hindi ko alam kung totoo, pero if ever marinig niya edi okay maririnig niya ang maganda kong boses.









"Ahm, hindi ko alam kung maririnig mo ako pero nandito ako para sabihin sayo na ang ganda ko." maarte akong nag punas ng luha eh di ko nga alam bat ako naiiyak.











"Ang daya mo naman, akala ko pa naman babawi ka sak—," natigilan ako nung ma realize ko na buhay pa pala siya. "Charot lang, syempre babawi ka talaga hindi pa nga lang sa ngayon knows ko yan, oo." para naman akong tanga, baka samain ako pag nagising 'to eh.











Hinawakan ko yung kamay niya, kahit pa ganito ganito ako hindi ko naman ginusto na nakahiga siya diyan eh. Saka bago pa nangyari ang lahat ng 'to, naayos na namin yung issues namin lalo na tungkol sa pagkamatay ni Mama na isinisi ko sa Tatay niya, na Tatay ko din.












"Sana gumising ka na kaagad para maranasan ko naman ang bagsik mo hindi bilang boss ng mafia kundi bilang Kuya ko." sabi ko sa kanya kahit di ako sure na maririnig niya talaga.











Napansin ko na may mga lalaking nakaitim na sa labas kaya nag decide ako na lumabas na din. Hindi ko alam kung nasaan si Maia, iniwan niya ba dito asawa niya? Baka mapag tripan to ng nurse eh gwapong gwapo pa naman sa sarili.











"Mam, pinapa bantay ka ni Madam Maia. Ako yung magiging personal driver mo at sila naman yung iba pang bantay. Sasamahan ka namin kung saan ka pupunta." turo niya sa apat na lalaking nasa likuran niya, what? May bantay ako?










Shemay! Di ako sanay.










"Eh nasaan siya?" tanong ko. Ayos din yung babaeng yun ah, umaalis ng walang pa sabi.










"Umuwi po siya sa mansion." ay gagi, iniwan lang ako dito eh dun din naman ako nag stay ngayon.










Simula nung nakabalik kami, nag decide si Capo na sa mansion ng mga Thatcher ako titira muna. Sumang ayon naman si Maia, wala pa si Elara at yung mga anak niya kaya walang ibang makakatulong sa kanya kundi ako lang.










The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now