[ 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝖽𝖾𝖺𝗅𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆𝖾𝗌, 𝗂𝗇𝖼𝗅𝗎𝖽𝗂𝗇𝗀 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝗁𝖺𝗋𝗆, 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗁𝗒𝗌𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖺𝗍𝗍𝖺𝖼𝗄𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋 𝖽𝗂𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖾𝖽. ][60]
𝗟𝗼𝘁𝗵𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗢𝗿𝗽𝗵𝗲𝘂𝘀'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Kasama ko si Zadkiel ngayon, nag hiwa hiwalay na kami para matugis yung mga shields at para na din mahanap si Sienna at Asherah. Tsk, bakit kasi umalis na hindi man lang nagsasabi o di kaya kahit nagsama nalang sana sila ng iilang mga sundalo.
It's already 6 am. Nag almusal naman kami bago kami umalis ng mansion kaya may energy kami makipag patayan, patayan na kung patayan alam ko yun ang gusto ng mga shields, why not give it to them right? Bukod sa nakakalitong daan, mas kapansin pansin pa din ang pananahimik ni Zadkiel, is something bothering him? He's always quiet yes, but it's kinda different now.
"May nangyari ba bago tayo nagpunta dito sa isla at ganyan ang aura mo?" tanong ko sa kanya, dumaan na kami sa iilang puno at hindi na din namin natatanaw ang mansion.
"Yeah." sagot niya, that's it? Tsk.
"Hindi na kita tatanungin dahil mukhang ayaw mo naman sabihin, pero kung kailangan mo ng kausap, I'll listen." tumango lang siya, hindi na din ako nagsalita pa dahil hindi naman madaldal ang kasama ko ngayon.
Bigla nalang napahinto si Zadkiel at napatingin siya sa gilid.
"What was that?" huh?
"What?" tanong ko, kunot noo siyang nagpunta banda dun kaya sumunod nalang din ako. May narinig ba siya? Wala naman akong naririnig tsk.
"I saw something." sagot niya, niliitan ko ang mata ko para makita ko yung sinasabi niya pero hindi naging malinaw sakin. Dagdag pa na ang kakapal ng dahon ng mga halaman.
"Puntahan natin medyo malayo hindi ko masyadong nakikita." sabi ko, nauna na siyang naglakad at nakasunod lang ako sa kanya. Sana pala hiniram ko nalang yung telescope ni Hadassha, pero mas kailangan nila yun ni Percival dahil sila ang naka in-charge sa mga canyon.
Malayo layo din ang nilakad namin ni Zadkiel, nagdahan dahan lang kami dahil masyadong maingay ang mga yapak namin dahil sa tuyong dahon. Hanggang sa tumambad samin ang isang kweba..
What the—?
"Dapa!" sigaw ko kay Zadkiel, nakita kaagad kami at agad silang nagpa putok ng baril. Hindi na din kami nag aksaya ng oras at kinuha namin ang long range rifles namin at isa isa naming binaril yung mga armadong lalaki, sapul kahit malayo.
"Look at the upper side of the cave." sabi ni Zadkiel habang nakipag barilan kami, napatingin ako sa sinasabi niya.
Putang—
Si Asherah at Sienna, nakabitay.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...