𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 - [1]

23 0 0
                                        

[1]

𝗛𝗮𝗱𝗮𝘀𝘀𝗵𝗮 𝗦𝗹𝗼𝗮𝗻𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩



"Dasha daga! Wala na ba talagang ulam? Sure na ba talaga?" kung siya nalang kaya gawin kong ulam? Napakaingay.









"Wala nga sabi, nagkakalkal na nga ako dito di ba? Nakikita mo naman di ba?" sarcastic na tanong ko kay Accel na ngayon ay problemado.









Pano, eh bigas nalang meron dito wala ng ulam.







"Kahit isang latang sardinas?" anak ng- kahit baliktarin niya 'tong HQ wala na siyang makikita.










Eto ang ganap pagkatapos ng gyera, naiwan kami dito sa isla. Nilipat namin ang tents dito malapit sa may dagat, wala kaming ibang pwedeng mapuntahan dahil sira sira yung mansion.




Oo, nasira dahil sa pagsabog ng tatlong bomba. Actually around 5 bombs yun, kung hindi lang dumating sila Larcade, Zadkiel at Kinsley sa mansion siguro wala na sila Sienna ngayon. Hindi na sumabog ang pang apat at pang limang bomba na malapit sa private room kung saan sila nag komprontahan. Mabilis din ang naging kilos nung dalawang expert sa bombs kaya hindi tuluyang sumabog, yung tatlo lang pero malaki pa din ang naging damage.


And about Boss Lucillious, hindi namin ma explain kung ano yung mararamdaman namin nung nakita namin siya na nag aagaw buhay. Luckily, nakahanap ng paraan si Percival at agad na naka request ng chopper. Hindi kaya ng mga sundalong doctor na gamutin siya kaya kailangan nilang bumalik agad sa City. Sumama na si Madam, Zayden, Sienna at Lothaire. Habang si Samantha ay nagpa iwan lang dito. Si Anya naman, naiwan din na halos himatayin pa nga nung nakita ang Papa niyang nag aagaw buhay.










Ang sabi ng mga sundalong doctor possible na ma coma si Boss kaya kahit ligtas na siya, eto si Thania tulala pa rin. Naiintindihan naman namin, syempre anak siya eh.







At eto kami, dahil 3 days pa bago makarating yung yacht na pagmamay ari nung boyfriend ni Zi nganga kami dito sa isla.









"Nagugutom na ako! Ang sarap mag wala!" tang-isang araw palang ang nakalipas pagkatapos ng gyera ganyan na siya kagutom.









"Bat hindi kayo mangisda ha? Para may silbi naman kayo?" oh, gising na pala si Sreena na ngayon ay naka crossed arms na nakatingin kina Accel na puro reklamo.










Hindi lang kasi si Accel ang nagrereklamo, pati yung ibang boys na nakaupo lang sa may bato tsk.









"Oo nga, mangisda kayo. Wala na talaga tayong ulam hindi nagkasya supplies natin." sabi naman ni Asherah, pero ang problema paano naman makakapangisda dito?









"Let's go, maybe the bombs can help." huh? Napalingon kaming lahat sa sinabi ni Larcade.







"Hoy tumigil ka, bumalik ka nga dito anong bomba? Wag mo sabihing yan gagamitin mo sa pangingisda?" gulat na gulat na tanong ko, siraulo ba siya?









"Yeah?" sagot niya, anong yeah? Abnormal ata 'to eh, baka buong dagat mayanig kung bomba gagamitin niya.









"Bakit di nalang natin barilin?" sabi naman ni Dryke na kakagaling lang sa pagiging pasyente, tumango tango naman si Ash Damian. Naalog siguro ulo nila jusko naman. Butas butas siguro ang isda baka ulo nalang ma-kain namin.







The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now