[26]
𝗭𝗮𝘆𝗱𝗲𝗻 𝗝𝗮𝗰𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
I held my weapon steady, eyes scanning the dimly lit venue. Kasama ko si Samantha at ibang mga sundalo as we moved forward to clear the area.
"Zayden, sa kabila muna ako." tugon ni Samantha. Tumango lang ako dahil alam ko naman na kaya niya ang sarili niya, at pupuntahan ko din naman siya kaagad kapag nagka gipitan na.
Nagsimula na akong maglakad nang dahan dahan, hindi ko kailanman ibinababa ang baril na hawak ko. Hinahanap ng mata ko si Lucillious, alam kong nandito lang siya, inaabangan din ang pagdating namin. Kung tuso ako, mas tuso siya. Kahit nakuha namin ang blue print nila, alam kong may back-up plan sila.
But something was amiss, kanina ko pa napapansin. May mga patay na katawan ng tao akong nakakasalubong, at di sila pamilyar sakin. Hindi ko masabi kung kabilang sa grupo nila Lucillious ang mga taong 'to. Nakarinig ako ng putukan mula sa side nila Samantha, mukhang may nakasalubong sila. Pupuntahan ko na sana pero nakita ko si Lucillious na umakyat sa hagdan. Kaya kahit iniisip ko ang kalagayan nila Samantha, mas pinili kong sundan si Lucillious.
Dahil sisiguraduhin ko, na kapag nahuli ko siya, di na ako mag dadalawang isip na patayin siya.
Pero napahinto din ako when a sudden explosion echoed through the venue, bigla akong napalingon sa side nila Samantha. Hindi ko na sila makita, at naramdaman ko din ang konting pag yanig sa kinatatayuan ko. Hindi ko maisip kung saan nanggaling yun, kung tutuusin ang usapan namin ni Larcade isang bomba lang ang pasasabugin dahil delikado din na baka kami mismo ay mapahamak sa bomba, at sa pagkakaalam ko pinasabog niya na yun kanina. Kanino galing yun? Tumupad naman siguro si Larcade sa usapan, dahil kung hindi baka maparusahan na naman siya.
Nagulat ako, dahil bigla nalang akong pinaulanan ng bala ng mga taong ngayon ay pamilyar na sakin. Alam kong mga tauhan sila ni Lucillious, siguro galing sa kanila ang bombang sumabog kani-kanina lang. Napamura ako at agad ko din silang binaril isa isa, umuusok ang paligid at humahapdi ang mata ko kaya hindi ko na nakikita kung nasaan na si Lucillious.
Talagang tuso ang criminal na katulad niya.
"Teka! Bitawan mo nga ako!" boses ni Sienna yun ah?
"Sinabi ng bitawan mo ako eh! Bingi ka ba ha? Ibalik mo yung baril ko lumaban ka ng patas!" nakita kong hawak hawak na siya ni Lucillious ngayon, nagtago ako sa pader at pinagmasdan ko sila ng palihim.
"Shut up or gusto mo ilibing na kita ngayon?" ano ang gagawin niya kay Sienna?
At paano niya nga ba nahuli si Sienna? Magkakasama ang mga opisyal pati ang mga Associates, dahil yata sa pag sabog nahiwalay sa kanila si Sienna at ngayon, hawak na siya ni Lucillious.
Hindi niya pwedeng saktan o patayin si Sienna.
"Zayden, I know you're hiding there." narinig ko ang malamig na boses ni Lucillious.
"At the count of 10, kapag hindi mo pa ako hinarap, mapapatay ko 'tong Lieutenant mo." damn!
"One..." nagsisigaw na si Sienna, nanlaki ang mata ko dahil itinali niya si Sienna sa railings ng hagdan para hindi makatakas. Nagpupumiglas si Sienna at sa halip na matanggal ang pagkaka tali sa kanya, mas humigpit pa ito.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...