[52] 𝗩𝗲𝗿𝘀𝗶𝗼𝗻𝘀 𝗼𝗳 𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵

9 0 0
                                    

[52]




𝗔𝗰𝗰𝗲𝗹 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩





Nasa condo lang ako ngayon, gusto nalang maging lumpia. Masyado ng masakit sa balunbalunan mga pangyayari, masama na nga loob ko sa nangyari sa amin ni Sienna namatay pa utol kong si Vince.

















Mula pagkabata kasama na namin ni Lothaire yun eh, mahirap tanggapin syempre. Alam ko si Lothaire kating kati na malaman kung sino may pakana, kasi siya mismo kuno ang papatay. Di ko naman kayang pigilan matigas ulo nun, mana sa pinagmanahan.















At dahil hindi naman pwede na mag mukmok ako dito, naligo nalang ako at nag decide akong pupunta sa hideout. Alam ko ding malungkot yung mga kasama ko, hindi ko naman hahayaan mangyari yun. Si Dasha daga, alam ko naapektuhan din, nalaman ko yung tungkol sa kanila ni Vince. Nahahalata ko naman si Vince dati, pero di ko lang inakala na ganun pala kalalim.















Pagkatapos ko maligo dumiretso na ako agad sa baba kung san naka park yung sasakyan ko. Nawalan na ako ng pakialam at hindi na ako nag mask, tutal nalaman na din naman ni Sienna at paniguradong malalaman na din nung iba kaya bat pa ako mag tatago. Masyado din akong gwapo para mag mukmok at mag tago nalang, lalaban pa ako uy magiging okay din ang lahat alam ko.












Tahimik lang akong nagmamaneho, tangeks para na naman akong timang kapag tahimik yung paligid. Kaya sinubukan ko magpa music, pinindot ko lang yung bluetooth at hinayaan ko na kusang mag p-play ng music.
















[𝗣𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴: “𝐼𝑓 𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑦𝑜𝑢'𝑟𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑦 𝑎𝑟𝑚𝑠 𝑎𝑔𝑎𝑖𝑛, 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝐼'𝑙𝑙 𝑙𝑜𝑣𝑒 𝑦𝑜𝑢 𝑚𝑢𝑐ℎ 𝑏𝑒𝑡𝑡𝑒𝑟. 𝐼𝑓 𝑒𝑣𝑒𝑟 𝑦𝑜𝑢'𝑟𝑒 𝑖𝑛 𝑚𝑦 𝑎𝑟𝑚𝑠 𝑎𝑔𝑎𝑖𝑛, 𝑡ℎ𝑖𝑠 𝑡𝑖𝑚𝑒 𝐼'𝑙𝑙 ℎ𝑜𝑙𝑑 𝑦𝑜𝑢 𝑓𝑜𝑟𝑒𝑣𝑒𝑟.]

















"Takte." ano ba namang music 'to, ampota dinadagdagan lang sama ng loob ko. Nung nilipat ko naman...


















[𝗣𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴: "𝑆𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛, 𝑏𝑎𝑏𝑎𝑙𝑖𝑘, 𝑠𝑖𝑔𝑎𝑤 𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑖𝑛. 𝑆𝑎 𝑘𝑎𝑛𝑦𝑎 𝑝𝑎 𝑟𝑖𝑛, 𝑠𝑎𝑠𝑎𝑦𝑎, 𝑏𝑢𝑙𝑜𝑛𝑔 𝑛𝑔 𝑝𝑢𝑠𝑜 𝑘𝑜.]















"Anak ng tinapa." bakit puro pang basag sa puso 'to, impossible namang alam nung bluetooth na broken ako ngayon. Ang galing naman, nilipat ko ulit...













[𝗣𝗹𝗮𝘆𝗶𝗻𝗴: "𝐷𝑖 𝑘𝑜 𝑘𝑎𝑦𝑎𝑛𝑔 𝑡𝑎𝑛𝑔𝑔𝑎𝑝𝑖𝑛, 𝑛𝑎 𝑚𝑎𝑤𝑎𝑤𝑎𝑙𝑎 𝑘𝑎 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛. 𝑁𝑎𝑝𝑎𝑘𝑎𝑠𝑎𝑘𝑖𝑡 𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑟𝑖𝑛𝑖𝑔, 𝑛𝑎 𝑎𝑦𝑎𝑤 𝑚𝑜 𝑛𝑎 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛. 𝐻𝑎𝑝𝑑𝑖 𝑎𝑡 𝑘𝑖𝑟𝑜𝑡, 𝑎𝑛𝑔 𝑑𝑢𝑙𝑜𝑡 𝑠𝑎 𝑎𝑘𝑖𝑛𝑔 𝑑𝑎𝑚𝑑𝑎𝑚𝑖𝑛."] 

















"Animal, wag na nga lang!" pinatay ko nalang, hindi nakakatulong ampota. Dagdag sakit lang sa puso eh, broken na nga yung tao paparinggan pa ng pang wasak na kanta.













The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now