[58] 𝗪𝗿𝗼𝗻𝗴 𝗧𝘂𝗿𝗻

2 0 0
                                    

[58]




𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩






"Ano ginagawa niyo dito?" gulat akong napatingin kay Asherah kasama si Accel. Shuta, bakit sila nandito? At bakit sila magkasama?!
















"M-magpapaliwanag ako." utal utal na sabi ni Accel, gabing gabi magpapaliwanag? Sige pakitaan niya ako ng pag liwanag. Ano kaya ang liliwanag, mata niya?














"Bakit kayo nandito, Asherah?" inignore ni Astley si Accel at bumaling siya kay Asherah, yun din ang gusto kong malaman. Paanong nandito sila, muntik pa nila kami mabaril kanina. Wala pa naman kaming dalang kahit ano.















Oh, by the way. Nakaligtas ang mga lola niyo, hindi ko akalain na hindi pala basta bangka yung nasakyan namin, floating kabaong pala. Kung paano kami nakaligtas?













It's because of Dryke and Elara, silang dalawa mismo nag ligtas samin.
















Hindi namin sila kasama, sa katunayan inaya ko si Dryke na sumama samin pero ayaw niya iwan yung Elara. Underboss yun alam ko, hindi na ako nakapag reklamo pa eh. Alam naman namin kung saan sila matatagpuan dahil ang plano namin ni Astley tatawag kami ng tulong para makaalis sa isla na 'to saka namin sila babalikan. Iba din yung nangyari sa kanila, nagising nalang sila na nandito na sa Isla pero isa lang ang malinaw. Parehong shields ang target namin kaya malamang sila may pakana kung bakit nandito kami.














Kahit Underboss si Elara, naaalala ko bigla yung blood relation ko sa Boss nila. Hindi ko alam parang hindi naman ako nakaramdam ng galit nung nakita siya, saka kalmado lang din siya eh. Siguro kung nagmamaldita siya, baka kinaladkad ko na siya sa dagat.



















Ang tanong ngayon, hindi lang si Elara yung nandito. Si Accel din, ano ba nangyayari?














"Nandito kaming lahat." sagot ni Asherah, namilog ang mata ko sa sinabi niya. Lahat ng LWA nandito?















"Bakit? Hinahanap niyo kami? Paano niyo nalaman na nandito kami sa islang 'to?" tanong ulit ni Astley, napatingin ako kay Accel na nakatingin din sakin ngayon. Hinahanap niya din ba ako? Lols, napairap ako, pretend na wala siya dito ngayon self.














"Actually, the day after daw nawala si Elara nag plano agad si Capo at yung Boss nila na magpunta dito lalo na at na locate nila location ni Elara sa tulong ni Percival. Alam talaga ng mga mafia's ang lugar na 'to dahil sacred land nila ito." what? So ibig sabihin...

















"Nandito lahat? Pati mga mafia?" tanong ko, tumango naman si Asherah. Shemay! Nandito pala ang lahat, isang araw lang ata kaming nawala nakapag plano kaagad sila.















"So, in other words pagmamay ari ng mga Thatcher ang isla na 'to." sabi naman ni Astley, tumango tango lang din ulit si Asherah.















Etong islang 'to? Pagmamay ari nila? Hindi naman na ako dapat mag taka, dahil sa dami ng properties nila pati sa ibang bansa etong islang 'to maliit lang na property to for them.















The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now