[36] 𝗦𝗲𝗰𝗿𝗲𝘁𝘀 𝗨𝗻𝘃𝗲𝗶𝗹𝗲𝗱

19 1 0
                                    

[36]

𝗟𝗼𝘁𝗵𝗮𝗶𝗿𝗲 𝗢𝗿𝗽𝗵𝗲𝘂𝘀'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Nag desisyon akong ipagpatuloy ang mga paper works sa bahay. Sumasakit ang ulo ko sa dami ng trabahong iniwan sakin ni Papa, matagal ko ng napapansin. Laging umaalis si Papa at ako lagi ang sumasalo sa mga trabahong naiiwan niya.


















Kakarating ko lang at inaasahan kong sasalubong sakin si Anya o di kaya si Elara, pero wala ang mga bubwit sa sala. Mukhang nasa kwarto na naman at kung ano ano na naman ang inoorder, bored yung dalawa dahil hindi pa sila pinapayagan lumabas.

















Dumiretso ako sa 3rd floor at kinatok ko kaagad ang kwarto ni Anya. Alam ko nandito din si Elara, parang kambal ang dalawang bubwit. Magka edad din naman kasi sila kaya normal lang na sila talaga ang magkasundo. Nainip ako at hindi na ako kumatok pa ulit, pinihit ko ang doorknob at pumasok ako sa kwarto ni Anya. Rinig na rinig kong nagtatawanan sila, nasa dressing room yata sila.














Malaki laki ang kwarto ni Anya kaya kailangan ko pa maglakad ng ilang hakbang bago ako nakarating sa dressing room, at nakita ko yung dalawa may dalang gunting.


















Aanhin ba nila ang gunting? Punyemas.




















"Anya, paano kung hindi pantay?" rinig kong tanong ni Elara. Hindi ako nagpakita sa kanila at tinitignan ko lang sila sa salamin.
















Mukhang mag gugupit sila ng buhok ah. Ano trip ng dalawang 'to?






















"Ih sige na, eto na nga hawak ko oh. Papantay yan for sure." sagot naman ni Anya. Ano ba ang problema nila sa buhok? Ganito ba talaga mga babae?



















"Ayoko talaga Anya baka magkamali ako." maktol ni Elara. Hindi ko din alam kung bakit nag s-stay pa rin ako at nakikinig sa walang kwenta nilang pinag gagawa sa buhok nila tss.





















"O sige ganito, sabay nalang tayo. Isusukat ko muna yung sayo tapos hawakan mo." kumuha ng ruler si Anya. Teka, ruler?



















Ngayon ko lang na discover, pwede pala sukatin ang buhok gamit ang ruler? Amazing.

























Umupo naman si Elara at hinayaan si Anya na sukatin buhok niya sa noo. Napakunot noo ako dahil para silang may sayad dalawa, saan ba nagmana ang dalawang 'to?





















"Ayan sige na, gupitin na natin ng sabay!" tuwang tuwang saad ni Anya. Pareho na nilang hawak ang mga buhok nila at pareho na din silang may gunting.























"One, two, three." sabay nilang ginupit ang buhok nila.




































Napanganga ako dahil hindi ko inaasahan ang resulta...

























Tangina! Hahahahahahhaha























"Hahahahahahahhaha" hindi ko na napigilan at tawang tawa ako sa itsura nilang dalawa ngayon. Gulat naman silang napatingin sakin, pero nawalan na ako ng pakialam at tumawa lang ako.















The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now