[53] 𝗖𝗼𝗻𝗳𝗹𝗶𝗰𝘁𝗲𝗱 𝗛𝗲𝗮𝗿𝘁𝘀

11 0 0
                                    

[53]




𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩






Bumukod muna ako at hindi na muna ako umuwi kina Capo. Mabuti at tinulungan ako ni Damian na makahanap ng place malapit lang din sa LWA. Nalalakad nga lang kung hindi ako tamad eh, pero dahil tamad ako dala-dala ko yung kotse ko palagi.

















Ayoko naman mapagod yung beautiful feet ko sa paglalakad. May kotse naman, ano silbi niyan di ba?
















Hays, hanggang kailan kaya ako mag kukunwari na okay lang kahit hindi naman? Pilit kong iniiwasan yung nalaman ko tungkol sa pagkatao ko, at yung kay Accel. Ang bigat bigat sa dibdib nakakainis, hindi na nga ako makakain ng maayos bigla bigla nalang din akong matutulala. Gaya ngayon, tulala ako dito sa new place ko.

















Hindi ko alam ano ba dapat kong gawin? Haharapin ko ba 'to o lalayo ako para takasan 'tong problema ko? At saka saan naman ako pupunta? Pupunta ako sa mga Thatcher? Di pa naman sira ang ulo ko para pumunta dun.














Naalala ko bigla si Thania, kaya pala. Kaya pala ganun nalang yung nararamdaman ko nung nakita ko si Thania, at lalo na si Lucillious. Kamag anak ko pala sila, pamangkin ko siya. Aish, bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon? Hindi ba pwedeng ibang tao nalang yung totoo kong pamilya? Bakit sa kalaban pa? Si Accel, siya din yung lawyer na matagal ko ng target, minahal ko ni hindi ko nga kayang patayin kahit sobra yung galit ko. Ano ba namang pagsubok 'tong binigay mo sakin Lord? Nagpapasalamat ako na binigyan mo ako ng magandang mukha ah, pero grabe naman tong challenge na binigay mo sakin.
















Naputol yung pagda-drama ko dahil bigla nalang may kumatok. Huh? Sino to? Eh si Damian lang naman may alam na nandito ako ah? Baka siya lang 'to may ibibigay o ano. Kaya tumayo ako at binuksan ko yung pinto.
























"Ano, magmumukmok ka nalang diyan?" nyeta, si Asherah pala, may dalang pagkain at drinks.






















"Bat nandito ka? At saka pano mo nalaman 'tong new place ko?" tanong ko, makikipag chismisan na naman 'to, wala pa ako sa mood para makipag chismisan eh.



















"Sinabi ni Damian, sad girl ka daw eh. Samahan daw kita, mabuti na din na ako yung sinabihan niya dahil ako lang naman may alam di ba?" daldal talaga, tsk. Pinapasok ko na siya at hinayaan ko siyang mag prepare nung mga food na dala niya. Bigla akong nagutom, steak at fried chicken yung dala niya natatakam ako.





















"Bat ba nagmumukmok ka? Alam mong lalong di makakatulong yan." sabi niya, hays ano ba gusto niya gawin ko? Mag party ako?

















"I don't know what to do anymore." sagot ko, natawa siya kaya sinamaan ko ng tingin. Anong nakakatawa?














"Di ka nga okay, nag e-english ka bigla." sinalin niya sa plates yung mga food at dinala sa table. Lumapit naman ako kaagad dahil hindi ko na talaga matiis, nakakagutom pala mag drama.
















"Naiintindihan ko, nahihirapan ka Sie, pero kailangan mo talaga harapin yan. Wala talagang sikretong hindi nabubun—" natigilan siya, nagtataka naman akong napatingin sa kanya. Problema neto? Di pa nga siya naka kain parang nabulunan na siya. Nabulunan sa salita?













The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now