𝗦𝗽𝗲𝗰𝗶𝗮𝗹 𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 - [3]

13 1 0
                                        


[3]



𝗞𝗶𝗻𝘀𝗹𝗲𝘆 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩



"Home sweet home!" napatalon ako agad sa sofa namin, kasi finally! We're home na. Actually kahapon pa kami nakabalik sa city, pero sa LWA kami dumiretso at nagpahinga muna dun.











And now, finally nakauwi na din kami sa house namin. Yung house namin na nasira dahil may pumasok na taga shield at dito pa namatay. Maayos na yung house at mas naging maganda pa kasi bagong paint at bago lahat ng furnitures.










"Kuya? Paano naayos to eh nasa island tayo tapos no signal pa dun?" tanong ko kay Kuya Dryke. Si Ate Kiara umakyat muna sa taas at inayos yung mga gamit namin.









"Nakiusap ako kay Capo. Bago sila sumakay sa chopper, humingi ako ng favor na ipaayos 'tong bahay natin." sagot ni Kuya, ah oo nga pala nauna sila Capo makabalik kesa samin.












Siguro nag hire sila ng someone to fix our house. Okay naman kami sa LWA, pero mas sanay pa din ako na dito kami umuuwi at mas comfortable ako dito dahil mula nung mga bata pa kami, dito na talaga kami.












"Malapit na birthday mo, sigurado ka bang gusto mo ng simple lang?" tanong niya at naupo na din siya sa sofa katapat ko.













"Oo sure na ako Kuya! Mafia's lang bisita natin at sa LWA lang gaganapin yung party." it's my 18th birthday, debut ko pero ayaw ko ng bongga. Gusto ko simple lang, at magkakasama kaming lahat pati mga mafia.











"Ayaw mo mag invite ng mga friends mo outside LWA? Isang beses ka lang mag debut." napaisip ako sa sinabi niya, pero sure na talaga ako.












Saka hindi pa alam ng mga friends ko outside, yung connections ko sa LWA.







"Separate party nalang for them Kuya, hindi nila alam na Associate ako. Baka matakot pa pag nakita yung mga malalaking baril sa LWA." natawa naman siya sa sagot ko, totoo naman kasiii.











"Kinsley? Sumama ka sakin mamaya mag grocery." napalingon ako kay Ate Kiara na nakababa na mula sa kwarto namin sa taas. Tapos na kaya siya mag ayos ng gamit?












"Ano pinag uusapan niyo?" tumabi siya sakin. Nung nasa island kami, kinulit ako ni Ate na mag birthday ng bongga dahil once lang ako mag debut pero ayaw ko talaga kaya wala din siyang nagawa.












"Yung sa debut niya. Ikaw na ba bahala sa invitation?" tanong ni Kuya Dryke sa kanya, hala need pa ba yun?












"Need pa ba yun Kuya? Eh nasabihan na natin yung mga mafia di ba?" lahat sila excited na makapunta sa LWA, weird nga eh kasi parang walang nangyaring bakbakan samin. Parang hindi lang magka away dati.












"Need pa din yun. Mahigpit pa din ang mga sundalong bantay, need yun para makapasok sila." sabi ni Ate Kiara kaya tumango tango ako.










Narinig namin na may nag park ng sasakyan at bumusina pa kaya tumayo agad si Kuya Dryke para tignan kung sino yung dumating. Konti lang naman may alam kung nasaan yung bahay namin.










The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now