[0.9]
𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nagising akong sobrang sakit ng ulo ko. Dahan dahan akong nagmulat at nagulat ako dahil wala ako sa kwarto ko.
Wait, nasaan ako?
Malabo naman na nasa campo ako kasi iba naman ang itsura ng rooms sa campo eh. Saka parang kwarto ng lalaki to ah?
"Gising kana pala." gulat akong napabangon nang makarinig ako ng boses ng isang lalaki. Nagpalingon lingon pa ako hanggang sa nakita ko siyang nakasandal sa pinto.
Shemay! Sino to!?
"Makatingin ka naman para kang nakakita ng multo. Kamusta tulog mo? Masakit ulo mo noh?" hindi pa din ako makapag salita. Pilit kong inaalala kung sino siya at kung paanong nandito ako ngayon.
But shemay! I can't remember anything.
"Ah. Wala ka sigurong maalala kung ano ang nangyari....kagabi." kinabahan ako dahil sa ngiti niya. Agad kong kinapa ang sarili ko, tinignan ko pa yung katawan ko sa ilalim ng kumot. May damit pa naman ako, so wala naman sigurong nangyari?
"Ano akala mo sakin, manyakis? Di ako papatol sa 12 years old." ano akala niya sakin menor de edad?
"Sino ka? At bakit nandito ako aber?" kahit anong gawin ko, hindi ko talaga maalala.
Shemay naman kasi eh, ano ba kasi pinang gagawa ko kagabi?
May kinuha siya sa table at dahan dahan siyang lumapit sakin. May itsura din pala ang lalaking 'to, kaya lang hindi ko siya kilala. Hindi ko pa nga alam papaanong nandito ako eh.
"I am Accel Javion Fitzwilliam. Corporate Attorney and the CEO of Sparks Engrave Incorporation." napanganga ako sa sinabi niya, hindi siya halatang attorney!
Pero pinakita niya ang Identification Card niya. He's not bluffing.
"Bakit nandito ako? Ikaw ba nagdala sakin dito? Ano ba talaga ang nangyari?" seryoso kong tanong sa kanya. Wala akong pakialam kung sino siya, ang gusto ko malaman paano ako napunta dito.
At yung phone ko, yung pouch ko wala dito. Mapapatay ako ni Capo at Samantha, hindi ako umuwi kagabi.
"Lasing na lasing ka kagabi. Iniwan ka ng kasama mo, paalis na sana ako pero nakita kitang halos wala ng malay at pinag t-tripan ka pa ng mga lalaki dun kaya kinuha kita." pinilit kong alalahanin yun pero wala talaga, nakakainis naman.
So, kailangan pala mag thank you ako sa lalaking 'to?
"Tinatanong kita kagabi kung san ka nakatira ang sabi mo ayaw mo umuwi, alangan iwan kita. Kaya sinama nalang kita dito sa tinitirhan ko." ang gentleman naman pala, hindi lang halata.
Kailangan ko pa din magpasalamat sa kanya, baka ano na nangyari sakin kung hindi niya ako inalis dun sa bar.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...