[54] 𝗥𝗶𝘀𝗸𝘆 𝗦𝘁𝗲𝗽𝘀

4 0 0
                                    

[54]

𝗘𝗹𝗮𝗿𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩


Lumabas ako sa meeting room na parang lasing. My goodness! Too much information ha. Hindi kinakaya ng braincells ko, I don't know where my utak went.











Sinabi ni couz sungit na may other enemy which is the Shields, and wait lang ha. Nawindang ako kay Kuya Zadkiel dahil naging spy siya dun, nasali pa sa rank ng shields talaga. Ang astig talaga ni Kuya! Naiintindihan ko kung bakit siya ang nabigyan ng ganung mission, dahil na din sa hindi talaga mahahalatang may pakialam si Kuya samin. Nonchalant pa siya sa nonchalant, plus ang hirap niya pa basahin.













"Okay ka lang ba?" tanong ni Ate Dasha sakin, mabuti naman at kahit papano okay na siya ngayon. At pati si couz Anya na nagpapaka busy sa business at sa pag aaral niya.













"Okay lang hahahaha. Nawiwindang lang ako sa mga nalaman ko kanina sa meeting." naupo ako sa sofa, dumaan si couz sungit sa likuran ko at nilapag niya ang milk chocolate bar sa table na nasa harap ko. Oh my! One of my faves!









"Thankie sungit." di niya na ako pinansin at tumabi na siya kay Accel, nakakalungkot tuloy isipin. Dati tatlo sila laging magkatabi dito sa hideout namin, ngayon dalawa nalang sila.












Kuya Vince, kung nasan ka man ngayon sana gabayan mo kami sa mga missions namin. Lalo na at kanina lang, binigyan na kami ng missions. By pair yun at pair ko actually si Kuya Percival but he's in hongkong now, may pinapagawa din kasi si Tita sa kanya eh. Na contact ko na din naman siya at uuwi din siya the day after tomorrow.













Speaking of my Tita, wala siya dito sa meeting kanina. Si Tito lang pero umalis din kaagad, siguro alam niya na din naman yung tungkol dito?












"Saka ka na ba magsisimula kapag nandito na si Percival?" tanong ni Ate Dasha, kaya ko kaya mag isa? Ang sabi ni couz sungit sakin, aggressive yung taong yun.












"Siguro ate? Baka ako susunod na pag lamayan niyo kung mag isa akong gagawa. Aba ate hindi pwede, masyado pa akong bata at masyado akong maganda para maging abo lang." naka flip hair kong sagot, napalingon tuloy si couz sungit at Accel sakin. Si Accel naman tawang tawa parang hindi namatayan ah!












"Siguro kapag naging abo ka, kulay nun violet." what did he say?!














"Viol- bakit violet?!" pasigaw na tanong ko kay Accel, nakita kong parang nag ngingiti na din yung pinsan ko. Pinag titripan ba nila ako?














"Bagay kasi sayo maging barney pre, di ba nung bata ka may presentation ka dati ano nga yung kanta mo? I love you, you love me, we are happy family with a great big hug and a kiss from m-aray naman!" binato ko sa kanya yung phone case ko dahil wala naman akong ibang maibato dito, mahal yung phone ko kaya hindi dapat ibato.














"Don't make fun of me nga! Saka for school purposes yun! Ikaw nga nung bata ka umiyak ka kasi kinuha ni ate Dasha pagkain mo!" true yung sinasabi ko, umiyak siya because of food. Ang takaw takaw kasi, kaya niya naman bumili ng madaming food dati.















"Ikaw ba pag ninakaw pagkain mo matutuwa ka?" tanong niya sakin, oo nga naman. Matutuwa ba ako?













The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now