[ 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝖽𝖾𝖺𝗅𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆𝖾𝗌, 𝗂𝗇𝖼𝗅𝗎𝖽𝗂𝗇𝗀 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝗁𝖺𝗋𝗆, 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗁𝗒𝗌𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖺𝗍𝗍𝖺𝖼𝗄𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋 𝖽𝗂𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖾𝖽. ][63]
𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Habang abala ang lahat sa pakikipag barilan at pagpapasabog ng bomba, may napansin ako sa right side nung tatlong Acolytes. May isang babaeng naglalakad, yung direction niya papunta sa mansion. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip ko at palihim kong sinusundan yung babae.
Hindi naman siguro siya multo noh? Naka-itim siya, yung buhok hanggang bewang. Parang familiar siya sakin, pero hindi ko alam kung saan ko nga ba siya nakita. Palihim ko lang siyang sinusundan mukhang wala naman siyang malay na may nakasunod sa kanya eh, pero hindi pa nga ako nakakarating sa mansion nakasalubong ko sila Capo.
"Sienna? Ano ginagawa mo dito?" tanong ni Capo, lumingon ako kung saan ko nakita yung babae.
Shuta! Nawala bigla. Multo ba yun?
"Are you okay?" sunod na tanong ni Lucillious, baka multo talaga yun guni guni ko lang kaya baka isipin nila baliw ako kung sasabihin kong may nakita ako.
"W-wala. Naligaw lang ako, di ko na alam saan pabalik. Balak ko din sana puntahan si Samantha." rason ko, bwiset di maalis sa isip ko yung babae. Iba kasi talaga pakiramdam ko eh, kaya sana payagan ako ng mga 'to na pumunta sa mansion.
"Pupunta na din kami dun. Sumama ka na." sabi ni Capo, ay shems mabuti naman.
Nauna na si Capo at Lothaire maglakad, kaming dalawa ni Lucillious nasa likuran lang. Awkward din noh, kasama ko yung taong kinagagalitan ko tapos di ko akalain kapatid ko pala.
"Orson is dead." biglang sabi ni Lucillious, nanlaki naman ang mata ko sa gulat. Akala ko nandiyan pa sa tabi tabi si Orson dahil mahirap ngang kalabanin yun.
"Paano?" tanong ko, so bale dalawa nalang pala ang kalabang natitira ngayon?
"He fell into his own trap and met his end." hindi na ako nakapag salita, hindi ko man alam kung anong trap yun pero nakaramdam ako ng ginhawa nung nalaman na patay na siya. Delikadong tao si Orson, kung tutuusin sa ginawa niya samin, baka patay na kami ni Astley kung hindi lang kami nakita nila Dryke.
"Orson confessed something about your parents deaths. He was following orders from the Superior to eliminate them at different times." what?
Si Orson? Siya ang pumatay kila Mama?
"B-bakit? Wala namang kasalanan sila Mama sa kanya ah, lalo na dun sa Superior. K-kilala niya sila Mama bakit niya ginawa yun?" napalingon na sila Capo samin, parang lumakas yung boses ko kakapigil ko sa pag iyak eh.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...