𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
A week has gone by.
Inilapag ko ang mga expensive fresh flowers at nagsindi na din ako ng expensive na kandila. Oo, lahat expensive dahil baka sabihin na ang cheap ko eh may pera naman ako.
"May dumalaw na pala sayo dito?" napansin ko kasi yung kandilang natunaw na. Siguro may dumalaw na sa kanya kanina, mukhang bago lang din naman yung kandila.
"Nevermind. Basta nandito na yung maganda, dinalaw ka na din." sinubukan ko pang ngumiti, pero napa buntong hininga nalang ako.
Halos mag da-dalawang linggo na ang nakalipas, pero parang kahapon lang nangyari lahat. Ang fresh pa din sa mind ko, hanggang pagtanda ko hindi ko ata makakalimutan. Trauma ba ang tawag dito? Siguro na-trauma nga ako. Ilang gabi din akong nanaginip, lahat tungkol sa isla napapanaginipan ko.
"Hirap din mag move on eh noh, kamusta ka naman po diyan? Gabayan mo nalang ako at ang kagandahan ko ah." hindi man lang ako nakapag thank you.
Pinunasan ko ang luha ko saka ko hinawakan yung puntod niya. Sabi nila Damian katukin ko daw, pero paano kung kumatok pabalik di ba? Edi yari ako? Baka ayain pa ako na samahan siya.
"Aalis na ako ha? Dadaan pa ako kina Mama at Papa eh. Siguro ililipat ko nalang din sila dito, para di na ako mahirapan. Magkaiba kasi kayo ng libingan." paalam ko, nag wave pa ako na parang tanga ah basta for me way of my pamamaalam yun. Babalik naman ako next week, balak ko kasi every week akong dadalaw.
"Okay lang po ba kayo?" tanong ng isa sa mga men in black sakin, oo may kasama akong mga nakaitim na alagad. Daig ko pa ang princess, may extrang car para sa mga men in black na nakasunod lang sakin kung saan ako pupunta.
"Ayos lang ako noh. Tara na ayoko gabihin dito, baka may kumalabit sakin hihingi ng hustisya." nakita kong parang natawa si Koyang naka itim pero pinipigilan niya. Totoo naman kasi, baka hingan ako ng hustisya eh ano namang alam ko sa pagka deads nila.
Hindi ako sanay na may driver, pero sige go lang kasi nakakatamad din mag drive. Hinatid din ako agad sa cemetery kung saan nakalibing yung parents ko, hindi din naman ako nagtagal at umalis din ako kaagad. Totohanan ko talaga na ililipat ko sila, para isahang dalaw nalang.
Nag decide ako na umuwi nalang, pero hindi ako sa bahay nila Capo uuwi, hindi din sa LWA.
Hindi nagtagal, tumambad sakin ang mansion ng mga Thatcher na minsan ko na ding pinasok nung may kinuha kami ni Asherah for DNA testing. Oo, dito na ako umuuwi pero paminsan lang naman. Umuuwi pa din naman ako kina Capo, yun pa din ang original bahay ko.
Nung nakalabas na ako ng kotse para akong donya, nag bow ang mga servants sakin. Jusko mga ate hindi naman ako santo, hindi naman kailangan mag bow. Naiilang ako pero hinayaan ko nalang at pumasok na ako.
"Tatie!" halos mapatalon ako sa gulat dahil sinalubong ako ni Thania, yumakap agad sakin eh. Eto naman parang ang tagal na hindi kami nagkita.
"Sampung taon ba kayong hindi nag kita?" napalingon naman ako dahil bumaba yung pamangkin ni Maia na may sungay din. Maliit na sungay nga lang.
"Kj mo couz, nga pala Tatie na din ba ang itatawag mo sa kanya?" what?
"No, I prefer Sie." tinaasan ko lang siya ng kilay at tinaas niya din kilay niya, o sige sinong kilay kaya mag wawagi.
"Tita, Anya, Elara. Let's eat." bumoses din si Lothaire sa wakas, teka kain?
Pag tingin ko sa malaking wall clock, 7 pm na pala. Ang bilis naman.
"Si Mama?" tanong ni Anya, nagkibit balikat lang si Lothaire. Napadako yung tingin ko sa malaking picture na nasa gilid lang ng wall clock.
Picture ni Maia, Anya, Lothaire...
At Lucillious.
Nakaramdam na naman ako ng bigat kaya nagpaalam muna ako at susunod ako sa dining table, maliligo muna ako at mag bibihis. Ang lagkit ko na din naman kasi, saka hello? Galing akong cemetery.
Dali dali lang akong naligo at agad akong nagbihis. May sariling room na ako dito, katapat lang ng room ni Anya at Elara. Ang dami nilang spare rooms dito siguro kasya lahat ng Underboss dito.
Nung natapos na ako ay nagpasya din ako na bumaba pero napadaan ako sa master's bedroom, napansin kong naka bukas kaya naisipan kong pumasok. Balak ko din sana tawagin si Maia, o Ate Maia ba.
Ate? Tsk hindi ako sanay help!
Hindi ko siya nakitang nakahiga sa may bed pero nakita kong bukas ang terrace kaya alam kong nandun siya. Hindi nga ako nagkakamali, nakatayo lang siya dun, may bitbit na wine.
"Ahm, hanap ka pala ni Anya. Dinner's ready na." sabi ko, hindi ko talaga alam paano siya kausapin pero hays, bahala na!
"Susunod ako." tumango lang ako kahit na nakatalikod siya sakin, aalis na sana ako nung may nakita ako.
Yung dagger.
Yung dalawang dagger mismo, huh? Na keep niya?
"Na keep mo pala 'to." biglang sabi ko, napalingon siya sakin at napatingin din siya sa dagger.
"Yeah, I can't simply discard or abandon it, it will always serve as a reminder of her." sagot niya, napangiti ako sa sinabi niya. Kahit papano may puso din pala siya, hindi man nakikita pero kusa mong mararamdaman.
"Let's go." aya niya, sumunod naman ako sa kanya palabas ng room nila.
Pero hindi pa man kami nakababa, nag ring yung phone niya kaya sinagot niya kaagad. Naka loudspeaker kaya nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"The boss has regained his consciousness, Madam."
— 𝗘𝗡𝗗 —

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...