[57] 𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗮𝗻𝗱 𝗟𝗶𝗲𝘀

3 0 0
                                    

[57]



𝗔𝗰𝗰𝗲𝗹 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Ang intense woah! Nagkaharap din kaming lahat sa wakas. Ngayon nakasunod kami kay Boss Lucillious papunta sa mansion nila dito. Sila ni Zadkiel nauuna since alam niya din naman kung saan yun, siya lang din yung Underboss na nakapunta dito.












"Lotlot di ka pa ba nakapunta dito?" tanong ko kay Lothaire, kung ako lang kasi babalik balikan ko ang isla na 'to eh, ang ganda at kung di lang dito magaganap yung gyera napaka peaceful dito.













"I don't remember much pero sabi ni Papa nadala na kami dito nung mga bata pa kami." sagot niya, palingon lingon ako sa mga taga LWA na nasa Iikuran namin, puro nakasimangot. Mabuti pa mga Underboss kalma lang eh.












Kahit ang dami kong pinapansin ngayong araw, hindi pa din nawala sa isip ko kung nasaan na kaya si Sienna. Malaki ang isla, hindi agad agad mahahanap nila Sienna yung bahay.













Bahay na pagmamay ari niya din naman mismo dahil anak din siya ni Maccius.













Yun ang una kong gagawin kapag nakapag usap na kaming lahat, sana payagan nila ako na ako mismo hahanap kay Sienna.












Ilang minuto ang nakalipas, nakarating na din kami. Medyo malayo din yung nilakad namin sumasakit na yung paa ko plus ang dami pa naming karga. Takte, nagulat pa ako kanina may matandang bigla nalang sumulpot, caretaker pala nila Bossing. Pumasok kami kaagad at napanganga ako sa laki ng mansion, mas malaki pa 'to sa mansion nila sa city.












Kasyang kasya kami dito kasama ang LWA. Alam ko labag sa loob nila na kasama kami, labag din naman samin ano akala nila gusto namin silang kasama? Taragis ang sasama pa ng mga mukha, siguro gutom na o di pa nag sink in sa kanila na magkakasama kami ngayon.













"Zayden, you can choose your rooms in the north wing, the Underboss will stay at the 2nd." sabi no Boss, may pinag usapan pa sila ni Zayden pero hindi na ako nakinig. Napansin kong isang matandang caretaker lang nagpakita kanina, ibig bang sabihin, kami magluluto mag lalaba o mag lilinis? Ampota!














"Para ka na namag sira, gutom ka ba?" tanong ni Dasha daga. Hindi naman ako gutom!












"Dasha daga, marunong ka naman sa gawaing bahay di ba?" tanong ko sa kanya, kunot noo siyang napatingin sakin. Nagiging kamukha niya tuloy si Ratatouille.












"Oo, di naman ako tulad mo na 'yaya paki kuha ng food ko please' manang paki laba nung blablabla." naningkit mata ko sa sinasabi ni Dasha daga, ginagaya niya pa boses ko.













Di marunong gumaya, ang pangit pakinggan!













"Libre kita isang buwan, ikaw mag laba ng mga damit ko ah." tumawa lang siya at nag bleh lang sakin, takte anong alam ko sa pag lalaba? May washing machine naman siguro dito? Masyado kasing plain yung mansion nila, mukhang walang kagamitan pero baka nasa laundry area lang.














Naupo kaming lahat sa lapag nang magsimulang mag plano sila Boss at Zayden, habang nag uusap sila napansin ko si Zadkiel sa gilid parang binagsakan ng lupa yung itsura, nag casino ba 'to at natalo? Parang talong talo yung itsura niya eh.














The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now