[32] 𝗖𝗹𝗼𝘀𝗲𝗿 𝘁𝗼 𝘁𝗵𝗲 𝗧𝗿𝘂𝘁𝗵

20 3 1
                                    

[32]



𝗔𝗰𝗰𝗲𝗹 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Iidlip na sana ako ng biglang mag ring yung phone ko. Anak ng— gusto ko na muna matulog eh. Kakakain ko lang, busog ako kaya inaantok ako.




"Hello?" hindi agad nagsalita yung nasa kabilang linya. Tinignan ko ulit yung number pero naka unregistered.




"Who's this?" umeenglish na ako. Antok na antok na talaga ako, anytime pipikit na ako eh. Umaandar yung pig syndrome ko.





"M-Mr. Fitzwilliam?" umayos ako ng upo dahil boses ng babae yung nasa kabilang linya, at parang nanginginig pa yung boses niya.





"Si A-Adia to. I need your help, me and my family have been receiving death threats from loan sharks due to our debt. And yesterday, m-my son Sevi, narrowly escaped being hit by a car intentionally. I badly need your help." na sense kong umiiyak siya sa kabilang linya, at parang magic na nawala yung antok ko. Hindi ako hihindi lalo na kapag ganito na kailangan nila ng tulong ko.






"Send me your location." binaba ko na ang call at pagkatapos ng ilang segundo, natanggap ako ng message galing kay Adia, nag send na siya ng location kaya agad kong kinuha ang coat ko at lumabas ako sa office ko. Sakto nakasalubong ko pa si Alex na may dala dalang kape.








Uminom kaya ako ng kape? Baka mawala 'tong pig syndrome ko, yung inaantok kapag busog, baboy na baboy.









"San ka pupunta?" tanong niya. Nagulat naman siya nung kinuha ko ang kape na dala niya at ininom ko, kaso wala na palang laman, kaya pala ngayon tawang tawa siya.





"Ubos na yan, dami mong pera di ka man lang makabili ng sariling kape. Anyways, tumawag na ba si Adia sayo?" kilala niya yung tumawag sakin?





"Kilala mo?" anak ng pato, baka siya pa nag bigay nung number ko. Ang common naman kasi ng pangalan, parang may Adia din kasi akong nakausap at nabigyang ng calling card ko.






"Bro, siya yung makakatulong sayo about dun kay Shara." namilog ang mata ko sa sinabi niya. Mukhang may makukuha akong impormasyon dun sa Adia na yun ah.






"Thanks bruh, sige aalis na ako puntahan ko na." tinalikuran ko na siya at pumunta ako agad sa parking lot.











Ilang minuto ang nakalipas nakarating na ako sa bahay ni Mrs. Adia, nasa around 50's na siya pero parang nasa 30's lang. Agad niya akong inasikaso pagkadating ko, naikwento niya na din sakin lahat kung ano ang nangyari. Pinagmasdan ko yung mga death threats na natatanggap niya, na ngayon ay naka print na as evidence.




"Bakit hindi ka dumiretso sa police station, Mrs. Adia? Bago mo ako tinawagan." I told her the importance of reporting the death threats and the attempted attack to the authorities promptly, aligning with the provisions of the Anti-Blackmailing Act (Republic Act No. 4200).






"Nawala sa isip ko na dumiretso doon, at isa pa. Takot na kaming lumabas ng bahay, pinagpasalamat nalang namin hindi basta basta makakapasok dito dahil nasa village kami, hindi nagpapapasok ang guard sa may entrance kung walang stamp." tumango tango lang ako. I understand her, ngayon lang din nila naranasan 'to.




"Nakipag usap kami ng maayos through call sa kanila, na magbabayad nga kami. Hindi naman kami tatakbo, pero ang hindi namin maintindihan yung patuloy na pagtaas ng interest kahit na pa unti unti, nagbabayad kami. Hindi sila mapakiusapan, gusto nila ngayon ngayon din yung buong 10M ang ibabayad namin." anak ng— sumakit ang ulo ko sa halaga. Oo kinikita ko yan sa isang linggo lang lalo pa at may negosyo ako, pero sa kanila na simple lang ang pamumuhay at sapat lang yung kinikita, napaka laking halaga nun.






The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now