[ 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝖽𝖾𝖺𝗅𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆𝖾𝗌, 𝗂𝗇𝖼𝗅𝗎𝖽𝗂𝗇𝗀 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝗁𝖺𝗋𝗆, 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗁𝗒𝗌𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖺𝗍𝗍𝖺𝖼𝗄𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋 𝖽𝗂𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖾𝖽. ][61]
𝗔𝘀𝗵𝗲𝗿𝗮𝗵 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗹𝗹𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Day 2.
Nagpa umaga na kami sa hq, around 12 am kanina nag punta din dito sila Capo at Boss Lucillious para makapag pahinga. Ilang grupo din daw ang nakasalubong nila bago na clear yung area nila, naiwan lang daw doon sila Percival, Dasha at Supremo.
7 am pa lang, at nag handa na kami nila Thania at Kiara ng almusal para sa lahat. Nagising na din yung iba at nag ka-kape sila.
"Hindi mo ba nakita si Mama, Pa?" rinig kong tanong ni Lothaire sa Papa niya, oo nga pala hindi ko pa siya nakikita simula nung umalis kami sa mansion, akala ko kasama nila?
"Nag decide sila ni Samantha na bumalik muna sa mansion." si Capo na yung sumagot, sila pa talagang dalawa magkasama? Eh sila yung may matinding galit sa isa't isa.
"Ate, okay na po ba 'to?" tinignan ko yung luto ni Anya, at napatampal nalang ako sa noo.
"B-bat ganyan hindi naman bata yung kakain?" pano ba naman kasi, pancakes lang naman niluluto niya pero nilagyan niya ng tenga, nagmukhang pancake na mini mouse parang pagkain ng bata.
"Cute kaya Ateee." sagot niya sabay tawa, siya etong cute eh sarap pisilin ng pisngi niya. Hinanda niya na yung mga pancakes at ako naman hinanda ko na din yung fried rice na hinaluan ko ng itlog. Para mabusog ang lahat at may energy mamaya sa bakbakan.
"Kain na pooo." tawag ni Anya sa kanilang lahat, at same reaction sakin kanina, nganga silang lahat sa design ng pancakes.
"What? Ang cute kaya at saka masarap po yan." magsasalita sana si Lothaire pero pinandilatan ko ng mata, alam ko kasi na aasarin niya na naman ang kapatid niya.
"Let's eat." aya ni Boss Lucillious sa iba, nagsi lapit naman sila at kanya kanya na ng kuha. Halatang gutom na sila, almusal lang nakain nung iba kahapon, kami lang na nauna dito sa hq ang nakapag dinner pero de lata lang din yun at noodles kaya medyo kulang din.
Napansin kong naka upo lang si Sienna at hindi pa kumukuha, nung nilapitan siya ni Accel bigla nalang siyang tumayo at lumayo samin. Nagtinginan ang lahat, kaya nag presenta na ako na sundan at kausapin.
"Sienna, uy san ka pupunta." tawag ko sa kanya, nakasunod lang ako sa kanya. Hindi naman masyadong malayo sa hq eh few inches away lang.
"Kumain ka na dun, ayos lang ako." sabi niya, naupo siya sa may natumbang kahoy kaya ganun din ang ginawa ko.
"Hindi pa din kayo okay ni Accel?" tanong ko sa kanya, mukhang malaki pa din ang galit niya kay Accel eh. Hindi niya pa din magawang kausapin.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...