[59]
𝗗𝗿𝘆𝗸𝗲 𝗔𝗿𝗶𝘀𝘁𝗵𝗲𝘂𝘀 𝗣𝗢𝗩
Hinila ko yung babaeng maarte dahil pakiramdam ko anytime tatamaan kami ng ligaw na bala. Potek, iniwanan lang kami dito ng tig iisang baril at nakaramdam ako ng pag aalala dahil mukhang madami dami yung natantya kong nagpapa putok kanina.
Sila Astley kaya yun?
"Baka kailangan nila ng tulong." sabi naman nung babaeng maarte, kala niya naman makakatulong siya dun baka uunahin niya pag iinarte niya.
"Kaya mo ba bumaril sa malayo kahit di sniper yang baril na meron ka ha, babae?" tanong ko, handgun lang kasi yung iniwan nila samin pero at least meron. Di kasi ako sigurado kung marunong siya, shooter ako eh kahit anong baril kaya kong dalhin.
"Kaya ko noh! Don't underestimate me." yabang tsk. Pag talagang nag inarte pa siya, iiwan ko na siya.
Nag decide kaming maglakad, kahit medyo madilim. Nag aalala lang din kami kina Astley, kasi dalawa lang sila at baka di na sila makabalik ng buhay. Dagdag pa na iniwan nila yung tig iisang baril samin, sana pala isang baril nalang iniwan nila at dinala nila yung isa kaya ko namang protektahan tong babaeng parang kambing kung hinihila ko.
Malayo layo na din nalakad namin mula dun sa pinanggalingan namin. Baka hihintayin nalang namin mag umaga bago kami magpasyang bumalik dun, baka maligaw pa kami mas mahihirapan kami lalo. Dun pa naman kami iniwan nila Astley at sinabi niya samin na wag kami aalis dun.
"It's so dark." sabi niya, paka arte talaga. Eto nalang kaya gawin kong bala?
"Malamang kasi madaling araw pa, mind ba mind." hinampas niya naman ako, liit ng kamay parang nanghampas lang ng lamok.
"Napaka-omg!" isang putok ng baril ang umalingawngaw at napadapa kami ng wala sa oras. Potek, mabuti walang natamaan samin.
Yung puno sa likod namin ang natamaan.
"Ang ingay mo kasi." may diin na sabi ko sa kanya, napaka ingay akala mo megaphone.
Hindi na siya nagsalita dahil pakiramdam namin, nasa paligid lang sila. Rinig na rinig namin ang mga yapak nila sa mga natutuyong dahon, alam kong hindi sila Sienna at Astley yun dahil iilan din ang putok na narinig namin.
At isa pa, wala silang dalang baril.
Tinakpan ko yung bibig ni Elara para di siya makapag ingay. Nakadapa kaming pareho habang yung kamay ko naka cover sa bibig niyang napaka daldal. Kung di sana siya nag salita edi sana di kami madadale dito tsk.
Kinasa ko yung baril dahil pakiramdam ko nasa harapan ko lang, nag hush sign ako kay Elara at tinutok ko yung baril banda malapit sa puno na nasa harapan namin. Hindi gaano kalayo, pero kahit di ko nakikita tingin ko ay may taong nakatayo dun. Kaya di ako nag dalawang isip, nung nakita ko yung anino agad kong binaril at tinamaan yung sa tingin ko ay braso o paa.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...