[55] 𝗡𝗼 𝗘𝘀𝗰𝗮𝗽𝗲

10 0 0
                                    

[55]



𝗔𝘀𝘁𝗹𝗲𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗹𝗲𝘆'𝘀 𝗣𝗢𝗩





Nasa meeting room kaming dalawa ni Sienna, walang meeting pero kaming dalawa mismo nagpaalam na dito kami mag plano. Hindi kasi maririnig ang kahit anong ingay dito kaya hindi kami maiistorbo.













"Ano ba yan, ang hirap hanapin netong Orson na 'to ah." inis na saad ni Sienna, well naiintindihan ko naman kung bakit siya naiinis. Kasi kanina pa talaga namin sinusubukan hanapin si Orson.














Sa apat na location na binigay samin, hindi pa kami kumbinsido kaya ginagawa ni Sienna lahat para mahanap si Orson saka namin pupuntahan yung lugar. Kaso, negative. Ang sabi ni Capo, si Orson ang pinaka mahirap hagilapin, mahirap din kalaban. Hindi ko alam bakit samin binigay tss, si Sienna yung partner ko sa duty na 'to, first time din namin nag sama sa isang duty.












Napansin kong iba yung treatment niya kay Capo nung nag meeting kami, kaya tatanungin ko siya. Hindi ko din nagustuhan kung pano niya kausapin si Capo. Very rude, nakalimutan niya atang naging ama si Capo sa kanya.















"Bakit ganun ka makapag salita kay Capo nung huling meeting natin? I don't like your tone Sienna, may nangyari ba? Mukhang galit na galit ka eh." tanong ko sa kanya while reading some blueprints.















Napansin ko namang napa buntong hininga siya, lalim nun ah. Ano ba problema neto?














"Meron, malaki pero hays, wag muna natin pag usapan okay? Chika ko nalang sayo kapag tapos na 'tong duty natin." sagot niya, nagkibit balikat nalang ako. Ayoko naman pilitin, hintayin ko nalang na siya mismo mag sabi.















"What if, puntahan nalang kaya natin 'tong mga places kung saan madalas magpunta yung Orson? Lipat lipat lang tayo if ever wala siya sa isang place na yun." sabi niya, naiisip ko din naman yan. Kaso naalala ko sabi ni Capo, wag magpa dalos dalos dahil mautak din yung kalaban.
















But on a second thought, walang mangyayari kung mag aantay lang kami dito.
















"Pwede." tanging sagot ko, nag dadalawang isip pa ako pero gusto ko na din mahuli 'tong taong to. Naisip ko bigla, sabi ni Capo if ever na may makasalubong kaming Mafia, wag daw namin pansinin. Bakit kaya? Matagal na din namin gustong makahuli ng mga mafia, bat bigla siya nag labas ng rule na ganun.


















Possible kayang tama yung naging hinala ni Larcade dati? May nabanggit kasi siya dati eh. Parang may mali.















"Tara na, ayoko mag aksaya ng oras." sabi ni Sienna, ako din naman ayaw na ayaw ko na nasasayang ang oras ko.



















Lumabas kami sa meeting room at ginamit namin yung kotse na pinapagamit ni Capo each pair. Safe at matibay siyang gamitin, si Sienna na yung nag volunteer mag drive dahil gusto niya. Tahimik lang kami sa kotse at ilang minuto lang ang nakalipas nakarating kami sa Seanachai Club.
















Pumasok kami at naghanap ng upuan, may menu list na nakalapag sa table whenever we're ready mag tatawag lang kami ng waiter. Masyadong expensive ang club na 'to, hindi ba sila namumulubi kakatambay dito? Tss.















The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now