[37]
𝗔𝘇𝗮𝗹𝗲𝗶𝗮 𝗥𝗶𝗹𝗲𝘆'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nasa house lang ako now so I decided to embark on a culinary adventure. Matagal ko na kasing hindi nagagawa ito, dahil super busy ako sa office lately. I yearned to create something special, not just for myself but also for Lance hihi.
I instructed our maids to grant my sole access to the kitchen, pinagpahinga ko muna sila kasi deserve din nilang magpahinga. I want to craft a meal from the heart, untouched by anyone else's hands kasi mas ma-aappreciate ni Lance yun kapag ako mismo gagawa.
As I whipped up a mandarin crunch salad and freshly baked gluten-free French bread, bigla kong naalala yung recent conversation namin ni Hadassha about Zadkiel. I couldn't shake off the feeling that something might be amiss with my brother.
[𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞]
Busy ako sa pag sa-sign ng contracts nang biglang tumunog ang bell dito sa office. It means may tao sa labas na gusto akong makausap, I press the allowed button para mag open yung door.
Bumukas ang pinto at pumasok si Hadassha. Isinara niya ulit yun bago siya lumapit sa table ko, I wonder kung bakit siya nandito, ngayon pa lang pumasok si Hadassha sa office ko. Sa bahay kasi siya bumibisita kung may kailangan siyang documents sa Corp eh.
"Pasensya kana, naistorbo ba kita?" she started. Umiling iling ako at isinara ko yung mga folder na may lamang papers. Mukhang importante talaga ang sasabihin niya at nandito siya now.
"No, not at all. May kailangan ka ba? Or do you need someone to talk to?" tanong ko sa kanya. Umiling siya, but I can see it in her eyes parang kinakabahan siya.
"May gusto sana akong sabihin sayo." tugon niya. Nakatingin lang ako sa kanya ngayon, inaantay kung ano yung sasabihin niya.
"Bothered ako sa actions ni Zadkiel and Ate ka niya, kailangan mo malaman 'to. Azi don't get me wrong, nagkaroon na ako ng trust issue simula nung nangyari kay Stellaluna at alam ko ganun ka din. Narinig ko kasi si Kiel, may kausap sa phone hindi ko man alam ano exactly yung pino-point niya pero he sounds na parang nililinlang niya tayo." mahabang sabi ni Hadassha. Hindi ako nakapag salita ako, I was stunned.
Tama si Hadassha, nagkaroon kami ng trust issue simula nung nangyari yun. Kaya naiintindihan ko kung napapansin niyang may kakaiba kay Kairus.
O baka....
No, hindi ko tatanggapin kung yung kapatid ko ay traydor.
"Kailan lang 'to, Dasha?" tanong ko. Parang ayoko isipin na kayang gawin ni Zadkiel yung talikuran kami, ako.
"Nung isang araw lang." natahimik ako. Hindi ko alam ano ang sasabihin, maski ako na kapatid niya hindi ko siya kilala talaga ng lubusan.
"Uy, wag ka masyadong mag isip ng kung ano. Pasensya kana pero kailangan ko lang talaga sabihin 'to sayo, para aware ka din." pilit akong ngumiti kay Dasha, nagpapasalamat ako at sinabi niya kaagad sakin.
"Thank you Dasha ah. Don't worry, susubukan kong alamin kung may tinatago ba siya o ano."
[𝗘𝗡𝗗 𝗢𝗙 𝗙𝗟𝗔𝗦𝗛𝗕𝗔𝗖𝗞]

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...