[34] 𝗦𝘁𝗿𝗮𝗻𝗱𝗲𝗱

23 1 0
                                    

[ 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝖽𝖾𝖺𝗅𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆𝖾𝗌, 𝗂𝗇𝖼𝗅𝗎𝖽𝗂𝗇𝗀 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝗁𝖺𝗋𝗆, 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗁𝗒𝗌𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖺𝗍𝗍𝖺𝖼𝗄𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋 𝖽𝗂𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖾𝖽. ]









[34]

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮 𝗭𝗶𝗻𝗻𝗲𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Nandito na kami sa abandonadong hospital. Wala ni isa sa mga Associates ang nakakaalam na nag punta kami rito. Bago pa kami umalis kanina, tinanggal lahat ni Sienna ang mga tracking device namin.













"Creepy ng lugar na 'to ah. May mga multo kaya sa loob?" tanong ni Sienna. Inalis ko ang kamay niya sa braso ko, lintek eh ano naman kung may multo?
















"Masama kutob ko dito Samantha, sigurado ka ba ng tutuloy tayo sa loob?" sunod na tanong naman ni Astley, wala sa tono niya na takot siya pero nahahalata ko.

















"Nandito na tayo, wag kayong duwag diyan." nagkasa ako ng baril at nauna na akong naglakad papasok sa hospital. Maski sa loob, lahat luma na talaga. Nagdadalawang isip nga ako umakyat sa hagdan dahil baka bigla nalang mag crack sa sobrang luma.



















"Ayon sa source ko, hanggang 7th floor lang ang hospital na 'to. Kung sakali mang entrapment eto, hindi naman siguro tayo mahihirapan." tugon ni Astley, tumango tango lang ako habang pinagmamasdan ko ang buong paligid. Walang kahit na anong makikita dito sa ground floor, puro chairs and tables lang.

















"Maghiwa-hiwalay nalang tayo. Punta ako sa 6th floor, kayo na bahala kung san niyo gusto pumunta." sabi naman ni Sienna. Sumang ayon na kami at nag kanya kanya na kaming lakad papunta sa iba't ibang floor.














Napag desisyunan kong sa 3rd floor ako pupunta, hindi ko alam kung saan nagpunta si Astley, kaya niya na naman ang sarili niya. Matapang naman yun, hindi takot sa tao maliban nalang sa multo tsk.















Ang tahimik ng buong paligid, ang dilim dilim pa. Dilat na dilat na mata ko pero parang di pa ako sigurado sa dinadaanan ko. May mga kwarto dito pero walang pinto, wala akong dalang cellphone o kahit na anong pwede gawing ilaw dahil di ko inaasahan na ganito pala kadilim.














May isang kwartong may pintuan at kapansin pansin na naka bukas lang ang pinto. Tanging ilaw lang galing sa labas ang nagdadala ng liwanag, mabuti at kahit papano hindi apat ang mga mata ko at nakakakita pa naman ako.
















Nakarinig ako ng kalabog kaya mas nakumbinse akong pasukin ang kwartong yun, pagkapasok ko palang parang nabulag ako. Wala na akong makita sa dilim, wala ding bintana kaya wala ding liwanag galing sa labas. Hayop na yan, kailangan ko yata paganahin ang lahat ng senses ko.












Nagulat ako dahil bigla bigla nalang may kumalabog sa likuran ko. Putangina, yung pinto.


















Sinubukan kong buksan ang pinto pero ayaw talaga, nakailang sipa na ako pero hindi ko talaga mabuksan. Ano 'to, kinulong na ako dito?













The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now