[19] 𝗟𝗶𝗳𝗲 𝘄𝗲 𝗵𝗮𝗱

22 1 0
                                    

[19]

𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩


Dali dali akong tumakbo papunta sa 4th floor. Hindi ko ma explain yung kaba ko, hindi naman ako takot pero hindi ko inaasahan na yung Boss mismo makakaharap ko!













Saka isa pa, nakaka bwiset!












Bakit ganun nalang yung reaction ko kanina? No, hindi lang basta reaction eh. Iba yung naramdaman ko. Hindi ito ang first time na magkita kami, pero first time na makaharap ko talaga siya ng malapitan.









Hindi ko maintindihan, bakit parang pamilyar siya sakin? At bakit parang iba yung pakiramdam ko sa taong yun? Mukhang ganun din siya kasi ilang minuto kaming nagkatinginan bago namin ma realize na magkalaban pala kami.









Shems nababaliw na ako. Kailangan ko ng tubig para kumalma, akala ko ma de-deads na ako kanina mabuti nalang dumating si Capo. Speaking of Capo, kayang kaya na sana namin patayin si Lucillious kanina kung di niya ako pinaalis eh, tsk.









Nandito na ako sa 4th floor at hinahanap ko na ngayon sila Dryke. Kasama niya ata ang mga kapatid niya, pero si Larcade ang nag tawag ng back up kanina ah so nandito din sila?








Ilang minuto din ang lumipas bago ko sila nakita. Karga karga ni Dryke si Kinsley kaya agad akong lumapit, kinabahan ako buhay pa ba si Kinsley? Shems ang bata niya pa!











"Calm down, buhay pa kapatid ko." nakahinga ako ng maluwag kasi mukhang nababasa ni Kiara yung iniisip ko. Isang beses lang ako nag kakape sa isang araw pero kung kabahan ako ngayon parang oras oras akong nag kape ah.










"Naghihintay si Asherah at Damian sa baba, kailangan na dalhin sa hospital si Kinsley." magkasama kasi kaming nag punta dito nila Asherah kaya alam kong nasa baba sila.









"Hindi ko alam kung saan galing ang pag sabog kanina, alam ko nandito si Larcade pero hindi ako sigurado kung sa kanya galing yun." saad ni Dryke, baka sa kanya nga galing, narinig ko din yun kanina.







Habang pababa kami, hindi mawala wala sa isip ko yung Boss ng Thatcher. Erase, erase Sie! Umayos ka at maging alerto dahil baka may mga mafia pa sa paligid.









Baka mapagkamalan pa akong kabit neto eh! Isip ako ng isip sa taong yun, hindi ko naman kaano ano.









Nakababa na kami at nakita din namin si Samantha at si Astley. Ginagamot ngayon ang mga sugat ni Astley, nakatulala lang siya at parang may iniisip.











"Ano nangyari? Saka nandito ka pala?" tanong ko kay Samantha tinuro turo ko pa siya, sinamaan tuloy ako ng tingin. Problema neto nag tatanong lang ako.











"Patay na si Casper." wait....











Patay?









As in?












Kumanta pa yun nung isang araw ah? Huling kanta na pala yun?!












"Oo, wala na siya. Ulitin mo at baka mabaril kita." hindi ako makapaniwala sa sinabi ni Samantha. Kaya pala tulaley si Astley ngayon eh.













The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now