[6]𝗦𝗶𝗲𝗻𝗻𝗮 𝗫𝗮𝘀𝘀𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Nagising ako sa sinag ng araw, ang init ng mukha ko. Napabangon ako at napatingin agad sa oras, walangya 3 pm?
Ang haba ng tulog ko!
Kaya pala medyo sumasakit na din ang ulo ko. Ang alam ko lang kasi kahapon kumain kami, nakipag date ako kay bebe Accel sa garden, tapos nag inuman kami saglit kagabi. Si Accel pilit na pinauwi ni Lothaire at siya na din naghatid kagabi, sinama niya sa paghatid kay Asherah.
Hindi ako lasing, pero sumakit ulo ko. Hindi ako makapaniwala na 3 pm na akong nagising, natapos naman kami kagabi ng 11 pm at natulog din ako kaagad ah.
Tinatamad pa ako at humiga ako ulit pero tumunog yung tiyan ko kaya napabangon din ako. Gutom na ako men! Bumangon ako at nag decide na maligo muna bago bumaba dahil ayaw kong bumaba na wala ako sa ayos noh, gandang ganda nga sakin sila ateng maid eh.
Napatingin ako sa buong kwarto ko, kahapon lang din ako nag ayos ng room at ang ganda na sa eyes ko dahil purple na siya. Black kasi eh masyadong madilim kaya ginawa kong purple ang room ko, room ko naman 'to kaya okay lang naman na mag decide ako kung ano gagawin ko dito.
Naligo ako at hindi din naman ako nag tagal dahil mas iniisip ko kung ano ang pwede kainin sa baba. Gutom na talaga pati kaluluwa ko, kaya pagkatapos ko mag bihis sa walk in closet ko agad akong lumabas.
At halos mapatalon ako sa gulat dahil may lalaking naka suot ng puting tshirt at puting pants, naka upo sa wheelchair na ngayon ay nakakunot noong pinagmamasdan ang kwarto ko!
"Lu—I mean aist, bakit ka nandito? Paano ka nakapasok?" lock naman siguro yung pinto kagabi? Nag la-lock ako palagi!
"I own this mansion, I have spare keys." mahinang tugon niya, oo nga naman noh? Malamang talagang may susi siya pero sana kumatok man lang!
"Why did you change your room into purple? It looks like Barney's room." Barney?!
Ang ganda ko namang Barney!
"G-gusto ko lang bakit ba," kung hindi ka lang naka wheelchair, sinuntok na kita, barney pala ah.
"Ayos ka na ba talaga? Hindi ka pa ba makalakad?" umiling siya kaya napa hays ako nung nag sign siya na gusto niyang buksan ko yung glass window ng room ko.
Binuksan ko at tinulak ko din yung wheelchair niya kahit na kaya niya namang mag tulak. Tulak ko 'to sa hagdan pag di pa din nagpaka bait sakin. Dapat maging mabuti siyang Kuya!
"I'm glad that you chose to stay here." panimula niya habang nakatingin sa view ng glass window, kung hindi lang din naman dahil sa kanya di ko din naman maisip tumira dito.
At isa pa, nakausap ko din kasi si Maia. Ang sabi niya mas mabuting dito ako para makilala ko yung pamilya nila lalo at lalo na yung kapatid ko.
"Gusto mo na bang umalis ako? Madali akong kausap?" pabirong tugon ko, nag tss naman siya.
"Now that I'm here, you should follow my orders as well." napataas kilay ko sa sinabi niya, ano naman kaya ang iuutos at ipaghihigpit sakin?

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...