[51]
𝗔𝘀𝗵𝗲𝗿𝗮𝗵 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗹𝗹𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala dun sa binalita ni Lothaire sakin, wala na daw si Vince, yung best friend niya. Nung nagkita kami sa resort, napag usapan pa namin yung tungkol sa pagkakaibigan nila ni Vince tapos bigla nalang nalaman namin na pinatay siya.
Gusto ko man makiramay pero hindi pwede.
Kinuha ko yung neck pillow ko at balak ko na sanang umidlip saglit pero biglang nag ring yung cellphone ko. Pagtingin ko, si Lothaire yung tumatawag kaya sinagot ko kaagad.
"Hello? Kamusta kayo diyan?" bungad ko sa kanya, hinihintay ko lang kasi na siya mismo yung mag call o mag message sakin.
"Malapit lang ba sa LWA yung Marine Sanctuary Park?" tanong niya, hindi pa ako nakapunta pero sa pagkakaalam ko malapit lapit lang yun dito.
"Oo, bakit? Makikipagkita ka?" hindi pa man siya nag oo, kinuha ko na yung jacket ko. Ready to go ako agad.
"No, it's Anya. Na track namin location niya na nasa MS pero hindi na namin siya ma contact. Alam ko gusto niya mapag isa, pero baka mapahamak siya." Anya? Yung baby sister niya?
Ay siopao! Ex-girlfriend nga pala yun ni Vince, sa pagkakaalam ko minor lang si Thania Roux. Baka dinamdam masyado pagkamatay ni Vince at umalis mag isa. Natural lang na mag aalala si Lothaire.
"Sige, ako na muna bahala sa kanya, pupunta ako sa MS at hahanapin ko siya." binaba ko na yung phone ko at nag message nalang ako na babalitaan ko nalang siya kapag nahanap ko na.
After 15 mins. Nakarating ako agad dito sa Marine Sanctuary, medyo tahimik ang lugar na 'to. Perfect nga dito mag emote o di kaya kapag gusto mo ng tahimik na buhay kahit saglit lang. Naglakad lakad ako dahil di ko pa nakikita si Thania, may iilang tao na akong nakasalubong mukhang sa bandang bridge ng dagat sila galing.
"Baka tumalon yung babae, balikan kaya natin?" rinig kong sabi nung mga batang nakasalubong ko. Huminto sila mismo sa harap ko, ano kamo? May tatalon na babae? Sa bridge?
Ay shit! Paano kung si Thania yun?
Dali dali akong tumakbo papunta sa may bridge, may bridge dito na ang nasa baba ay dagat. Ano ba naman 'tong batang to, madami pa namang lalaki sa mundo bakit kailangan niya tumalon. Kaya pala nag aalala si Travis eh, ramdam niya sigurong may gagawin yung kapatid niya.
Lumingon ako sa may kanan at nakita ko nga si Thania na ngayon ay umaakyat na papunta sa kabilang side ng bridge, talon nalang ang kulang. Hindi na ako nagdalawang isip, agad kong hinawakan ang kamay niya at gulat na gulat naman siyang napatingin sakin.
"Thania mag hulos dili ka! Hindi solusyon ang pagpapakamatay, madaming nagmamahal sayo lalo na yung Kuya mo kaya please humawak ka sakin ng mahigpit." nanlalaki yung mata niya na napatingin sakin, kilala niya kaya ako?

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...