[ 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝖽𝖾𝖺𝗅𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆𝖾𝗌, 𝗂𝗇𝖼𝗅𝗎𝖽𝗂𝗇𝗀 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝗁𝖺𝗋𝗆, 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗁𝗒𝗌𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖺𝗍𝗍𝖺𝖼𝗄𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋 𝖽𝗂𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖾𝖽. ][64]
𝗠𝗮𝗶𝗮 𝗗𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩
Hindi ko alam kung paano ko nasisikmura na kasama si Samantha dito sa private room na 'to. Dahil ayaw ko siyang kausapin, naghahanap nalang ako ng libro na pwede kong basahin. Ngayon lang ako nakapasok dito, private room siya pero madaming libro, may mga antiques.
I can even see weird statues here, tss. Ano bang klaseng room 'to?
"Hindi ka man lang ba mag so-sorry sa lahat ng ginawa mo sa LWA?" napalingon ako nung nagsalita si Samantha, nakaupo siya sa may sofa naka crossed-arms pa.
"I don't say sorry." sagot ko, hindi uso sakin yun at bakit ako mag so-sorry? Deserve din naman nila yun dahil iniistorbo din ang pananahimik namin.
"Pinatay mo pa din si Casper." malamig na tugon niya, eh ano naman ngayon?
"If I say sorry, maibabalik ko ba yung kaluluwa niya sa katawan niya? No right? Such a waste of time." sagot ko, ibinalik ko nalang yung librong hawak ko dahil di din naman ako makakapag basa ng maayos.
Nag ikot nalang ako hanggang sa may napansin ako.
May napansin akong lumang chest. Nakabukas siya at naging palaisipan sakin kung ano yung laman. Bakit hindi ko 'to napansin kanina?
"San ka pupunta?" hindi ko na pinansin pa si Samantha at dumiretso ako dun sa chest. Nasa table siya, table na may madami ding antiques. Nung nakalapit na ako, saka ko palang nakita ang laman.
Two daggers. Yung isa silver, yung isa gold.
"Ano yan?" hindi ko namalayan na sumunod si Samantha sakin, nakatingin na din siya sa mga dagger.
"Sa inyo ba yan? Mukhang luma pero tunay." I agree with her, luma siya pero totoong gold at silver.
"I don't know, ngayon ko lang nakita 'to." sagot ko sa kanya, nag ikot na din si Samantha at nag tingin tingin sa mga naka display sa table.
Hanggang sa may napansin siyang litrato. Weird at ang creepy tignan nung pinakita niya sakin, hindi na masyadong clear ang picture. But what's clear to me is that, may dalawang baby sa picture. Hindi ko alam kung bakit parang may something dun sa picture at nakaramdam ako ng tension.
Hanggang sa nakarinig kami ng malakas na kalabog. Naging alerto kami ni Samantha at agad namin kinuha ang mga baril namin na nakatago lang sa jacket. Nakarinig na din kami ng footsteps, but with that footsteps I can sense na galing sa isang tao lang.

YOU ARE READING
The Causatum of Revenge: Thatcher Series
RandomA long-standing feud rages between two formidable groups: the Mafia and the Soldiers. Fuelled by a thirst for revenge, these bitter enemies have clashed for years, believing their adversaries to be solely responsible for their own pain and suffering...