[41] 𝗕𝗲𝘁𝘁𝗲𝗿 𝗟𝗲𝗳𝘁 𝗨𝗻𝘀𝗮𝗶𝗱

10 1 0
                                    

[41] 



𝗗𝗿𝘆𝗸𝗲 𝗔𝗿𝗶𝘀𝘁𝗵𝗲𝘂𝘀 𝗣𝗢𝗩




"Uminom muna kayo ng tubig." agad kong binigyan ng tubig si Kinsley at Kiara, nalaman ko mula kay Capo kung ano nangyari sa kanila at naikwento na din ni Kiara, sa kanilang dalawa si Kiara ang mas kalmado, si Kinsley tulala pa eh.













"Ayos ka lang?" tanong ko kay Kinsley. Tumango lang siya, nag aalala ako sa batang 'to, kung bakit naman kasi umalis sila na di ako kasama tsk.















"Ano nga ulit yung sinabi mo kanina Kia, hindi mo kilala yung dalawang babaeng nag tangka sa inyo?" sabi niya kasi mga babae ang nagtangka sa mga buhay nila. Wala akong kilalang mga babae na ganun katapang kundi mga Underboss lang.















"Yeah, and like I said hindi sila mga Thatcher." possible kayang may kinalaman 'to sa taong nakilala namin ni Larcade nung isang araw?

















Jairo ang pangalan niya, iba kasi ang kutob namin ni Larcade sa taong yun kahit sinabi naman ni Capo. samin na kaibigan niya yun. Alam ko ding kusang kumikilos si Larcade ngayon para mag imbestiga, pa minsan nagpapatulong pa sakin kung saan saang lugar kami nakakapunta.
















Ngayon may rason na din ako para kumilos, ang sama ko sa parte na hinintay ko pa na may masamang mangyari sa mga kapatid ko bago ako kumilos.


















"What's wrong?" tanong ni Kiara. Napalingon naman ako agad sa kanya, potek napansin niya atang bigla akong nanahimik. Kilala ko din 'tong si Kiara eh, bilis niya makapansin kung may iniisip yung tao.











"Wala. Ikaw ba ayos ka lang ba talaga? May galos ka pa sa braso." balik tanong ko sa kanya, mahirap na baka mahalata pa ako.















"Limang beses mo ng tinanong yan, just to avoid some questions huh?" sinamaan niya ako ng tingin, sabi ko na eh.













Bat ba ang talino ng isang 'to?













"Wala nga kas—uy Kinsley san ka pupunta?" agad akong lumapit kay Kinsley nung tumayo siya. Kanina lang sinabi niya na parang nahihilo siya kaya hindi ko maiwanan.














"Gusto ko muna matulog Ate, Kuya. Medyo nahihilo pa po kasi ako eh." hindi ko na pinigilan at hinayaan ko na siyang pumasok sa kwarto niya. Kailangan niya din namang magpahinga, dapat nga dinala ko sila sa hospital kanina pa kaso ayaw nila.













At isa pa, ang sabi ni Capo palabasin daw na wala na si Kiara at Kinsley, kaya nandito kami ngayon sa lumang bahay namin. Alam naman ng LWA na nandito kami, naka monitor pa rin sila samin.













"Dryke, I have something to tell you." biglang tugon ni Kiara, hindi ako sumagot at hinintay ko lang siya na magsalita ulit.















"Hindi ko pa nasasabi sayo kung sino yung nagligtas samin." kumunot ang noo ko sa sinabi niya, akala ko si Capo?














"Hindi ko lang maintindihan, bakit ginawa ni Zadkiel yun." Zadkiel?













"Zad—sino?" pamilyar lang sakin pero hindi ko kilala.












The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now