[45] 𝗕𝘂𝗿𝗱𝗲𝗻 𝗼𝗳 𝗣𝗿𝗼𝗼𝗳

32 2 0
                                        

[45]

𝗔𝘀𝗵𝗲𝗿𝗮𝗵 𝗖𝗮𝗺𝗶𝗹𝗹𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩


Tahimik akong kumakain ng lasagna dito sa office namin ni Damian ng biglang dumating si Sienna. Dumating siyang haggard, parang galing sa gyera.











"Ano nangyari sayo? Bat ganyan itsura mo?" tanong ko. Ako lang din ang tao dito sa office namin, si Damian nag lakwatsa hindi ko alam saan nag punta.








Sumubo muna ako bago ko siya tinignan ulit, tulala lang siya at di nagsasalita. Haggard lang siya pero hindi naman siya mukhang na rape o na budol.











"Hoy Sienna, kinakausap kita." konting sigaw lang pala magpapa gising sa kanya eh.










"M-may iniisip lang ako." sagot niya, ang lalim naman ata ng iniisip niya at di siya agad nakapag salita? Kung di lang siguro ako nag salita baka di niya ako mapapansin dito.










"May problema ka ba? Alam mo, pwede naman natin yan pag usapan." inabot ko pa sa kanya yung lasagna pero umiling iling lang siya.










"Ash, m-may nalaman kasi ako." natigilan ako sa pag kain at napatingin ako kay Sienna. Lumingon lingon pa siya dito sa office para masiguro atang walang ibang tao.











"Ano yun? Wag ka mag alala dalawa lang tayo dito, umalis si Damian." sagot ko, napa buntong hininga naman siya, ang lalim nun ah.











"P-para kasing, ah— pano ko ba sasabihin. Ano kasi eh, p-possible bang magkatotoo yung gut feeling?" hindi ako naka sagot sa tanong niya kaya nag patuloy siya.










"Gut feeling like, feeling mo may kapatid ka ganun. Tapos alam mo yun? Yung naka feel ka ng lukso ng dugo nung nakaharap mo siya." dagdag niya, bat niya kaya natanong yan?












"Possible naman, kadalasan nagkakatotoo naman talaga yung mga gut feeling. Bakit mo naitanong?" umusog siya palapit sakin, chismis ba 'to?










"Ash, samahan mo ako. Pasukin natin mansion ng mga Thatcher." nabitawan ko ang tinidor sa sinabi niya, nahihibang na ba siya?











"T-teka nga lang Sienna, ano ba yang iniisip mo? Akala mo ba ganun kadali pasukin yung mansion nila? Nasa gate palang tayo baka paulanan na tayo ng bala." siraulo 'to, never namin naisip lumusob dun, delikado dahil kung madami ang mga sundalo dito sa Camp, mas madami yung mga men in black nila.










At isa pa, ano naman kaya gagawin namin dun?











"Sige na please, may gusto lang ako malaman." tugon niya, at dahil litong lito na ako didiretsuhin ko na siya.









"Ano ba talaga nangyayari Sienna? Pwede sabihin mo sakin? Para maintindihan kita, ano ang gagawin natin dun? At ano yang gusto mong malaman ha?" sunod sunod na tanong ko.












Napabuntong hininga siya bago siya nag kwento. Sinimulan niya kung pano sila nagkakilala ni Mrs. Adia at yung nalalalaman ng ginang tungkol sa ka relasyon ng Mama niya. Gulat na gulat akong napatingin sa kanya, nung nabanggit niya na may relasyon daw ang Mama niya at si Maccius, yung lolo ni Lothaire. At possibleng hindi siya tunay na Escoffier.












The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now