[48] 𝗧𝗵𝗲 𝘁𝗿𝘂𝘁𝗵 𝗯𝗲𝗵𝗶𝗻𝗱 𝘁𝗵𝗲 𝗺𝗮𝘀𝗸

23 1 0
                                    

[48]

𝗔𝗰𝗰𝗲𝗹 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Nandito kami sa hotel kung saan naka check in si Hayes Sandoval. Hindi ko alam kung bakit inutusan ni Boss Lucillious si Supremo at Percival na abangan si Hayes o di kaya sundan kung saan ito pupunta.










At ako? Sinama lang ako nung dalawa takte. Para tuloy akong tanga dito, naka mask at naka hoodie. Para akong criminal kung makapag tago ng mukha.








"Hindi na yun lalabas, sinasabi ko sa inyo." sabi ko sa kanila, kinuha ko yung chichirya sa sasakyan nakaka gutom mag hintay dito.











"May kailangan daw si Boss dun sa Hayes na yun, baka tayo pa gawing pulutan pag wala tayong nakalap maski address lang nung mokong." napakamot nalang sa ulo si Supremo, mabuti nalang at hindi ako yung inutusan baka na stress na ako kung sakali ako yung inutusan ni Boss.
















May lakad ako ngayon eh. Monthsary namin ni Sienna, nag text yun sakin kanina na papunta na siya sa tagpuan namin. Ampota baka ma-late ako, hindi pwede yun masisira din surprise ko.










Tumunog yung cp ni Percival kaya lumayo muna siya konti, mukhang si Boss yung tumawag kasi nakita ko parang na stress mukha ni Percival. Naiintindihan kita tol, mas malala pa reaction ko diyan pag nautusan ako. Maya maya pa, lumapit si Percival samin.












"Cancel plans, pinapabalik tayo sa Hideout." tumango naman si Supremo, ako naman sisibat na.













"Sige mga tol, ingat kayo." nagtataka naman silang napatingin sakin. Ampucha! Hindi nga pala nila alam na may gf na ako, at lalong hindi nila pwede malaman kung sino yun.














"May pupuntahan lang ako hahahaha babalik din ako agad." may motor naman kasi akong dala, sila lang naman yung naka sasakyan kanina. Di naman na sila nagtanong pa at umalis din sila kaagad, mabuti nalang akala ko sasalang pa ako sa question and answer portion.
















Agad akong sumampa sa motor at nag drive papunta sa tagpuan, hindi ko pa tinanggal yung mask at hoodie ko mamaya na ako magpapalit ng damit mismo kapag malapit na ako sa tagpuan at kapag sure na din akong walang sumusunod sakin.











Nag ngingiti ako habang nagmamaneho, ilang araw ko ding hindi nakita at nakasama si Sienna syempre na mimiss ko siya, iba kasi kapag kasama mo talaga hindi yung nakakausap lang sa text. Kahit na kabado ako dahil anytime pwede niya malaman ang totoo, pero hinanda ko na ang sarili ko dun at tatanggapin ko lahat ng galit niya pero hindi ko siya susukuan.


















Nagulat ako dahil bigla nalang ako nakarinig ng putok ng baril. Takte! Alam ko naman at expected na talaga 'to na anytime, may panganib talagang sasalubong sakin pero wag naman ngayon oh! Panira ng araw masyado, kung pwede lang mag lechon ng tao ginawa ko na.









Nasa likuran ko banda, nakita ko sa side mirrior may kotseng nakasunod sakin. Hindi ko makita kung sino yung sakay pero alam ko talagang siya o sila yung nagtangkang barilin ako, nagmadali ako lalo at nag full speed ako ang kaso animal, nag speed din yung sasakyan.













Hindi na siya nagpaputok ng baril kaya nagtaka ako, pero kahit na di na niya ako binabaril hindi pa din ako nagpa kampante. Nakikita ko sa side mirror ngayon, halos nahahabol niya na ako. Ang tindi din naman ng taong 'to! Siguro kanina niya pa ko minamanmanan nung kasama ko pa sila Supremo.













The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now