[20] 𝗙𝗮𝗹𝘀𝗲 𝗵𝗼𝗽𝗲

33 3 0
                                        

[20]

𝗞𝗶𝗻𝘀𝗹𝗲𝘆 𝗩𝗮𝗹𝗲𝗿𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩








Nagising ako na puro puti ang nakikita ko, oh my— nasa heaven na ba ako? Hindi man lang ako hinayaan mag say bye sa Kuya at Ate ko huhu.




















"Kinsley?" nagulat ako ng marinig ko ang boses ni Ate Kiara. Wala pa pala ako sa heaven, kinabahan ako dun ah. Ang dami ko pang pangarap papa jesus wag muna.






















"Kamusta pakiramdam mo? Masakit pa ba ang braso mo?" ngayon ko lang napansin na nasa hospital pala ako, naka dextrose ako at may benda ang dalawang braso ko. Medyo kumikirot pa kaya tumango ako kay Ate Kiara.















"Gusto mo ba kumain? Hintayin natin si Dryke, pinabili ko siya ng pagkain." ngumiti lang ako at dahan dahan kong inangat ang katawan ko para maka upo, tinulungan naman ako ni Ate Kiara.

















"Ate, ano na nangyari kay Exle?" tanong ko sa kanya. Wala akong amnesia at di naman nauntog ang ulo ko, tandang tanda ko kung ano ang ginawa ni Exle sakin. Kung hindi dumating sila Kuya at Ate baka nasa coffin na me ngayon.













"Patay na siya, pinatay siya." pinakiramdaman ko ang sarili ko kung masasaktan ako sa maririnig ko o hindi, pero wala akong maramdaman.














Nararapat lang din yun sa kanya, kung sakali mang buhay pa siya? Hindi pa din siya makakaligtas sa parusa nila Capo, o baka si Capo pa nga mismo ang papatay sa kanya kahit labag iyon sa rules namin.


















At isa pa, hindi ko siya mapapatawad. Paano niya ako nagawang saktan? Wala akong ibang ginawang masama sa kanya. Naging mabuting kaibigan ako, nandun ako nung mga panahong nahihirapan siya kasi hindi niya maamin kay Kuya Damian yung feelings niya. Nasa tabi niya ako palagi kapag may problema siya, puro kabutihan ang binibigay ko sa kanya tapos nagawa niya pa rin akong saktan.











Ilang beses niya akong tinadyakan, tinali, sinampal. Umiyak pa ako at nagmakaawa pa ako sa kanya na itigil niya na eh at pwede naman namin pag usapan kung ano talaga ang problema, bakit nagawa niya kaming traydorin?












"Alam na din nila Capo, nabanggit ko na sa kanila ang ka traydoran ni Exle." dagdag ni Ate Kiara. Siguradong mahirap para sa kanila na maniwala na nagawa ni Exle yun. Hindi kasi halata si Exle eh, kung hindi lang namin siya narinig nung araw na yun hindi ko maiisip na gagawa siya ng masama.












"Eh ate, sino po ang nakapatay sa kanya?" nagtataka din ako, parang hindi naman mga mafia yung kasama ni Exle ah?











"Ang sabi nila si Lucillious daw ang pumatay kay Exle." sagot niya. Mukhang nagkakamali lang ako, sa dami ng mga tauhan nila hindi na nakapagtataka na malito ako kung mafia ba sila o hindi.















Yung boss ang pumatay kay Exle? Eh bakit kung kakampi nila si Exle?















"Gising kana pala Kins." bumukas ang pinto at pumasok si Kuya Dryke. Napangiti ako nung tinaas niya ang dala niyang paper bag galing sa MCDO, yey chicken nuggets!











The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now