[18] 𝗚𝗲𝘁 𝗼𝘂𝘁 𝗔𝗹𝗶𝘃𝗲

20 3 0
                                    

[18]


𝗔𝘀𝘁𝗹𝗲𝘆 𝗦𝘁𝗮𝗻𝗹𝗲𝘆'𝘀 𝗣𝗢𝗩






"Casper? Casper gumising ka!" pilit kong ginigising si Casper. Si Larcade nakikipag laban pa din sa mga lalaking naka-itim.













Hinanap ng mata ko si Maia pero wala na siya sa kinatatayuan niya kanina. Tangina! Gusto ko siyang patayin. Binaril niya si Casper, no instead of Larcade si Casper ang natamaan dahil hinarang ni Casper ang sarili niya para hindi matamaan si Larcade.














Gusto kong umiyak pero dahil nangingibabaw ang galit na nararamdaman ko, hindi ko mailabas ang luha ko. Naiinis ako sa sarili ko, ang hina hina ko at hindi ako nakatayo kaagad kanina para tulungan silang makipag laban.













"G-general." napalingon ako kay Casper, narinig kong tinawag niya ako kahit sobrang hina ng boses niya.












"Casper, makinig ka sakin." itinaas ko ang ulo niya at pinahiga ko siya sa hita ko. Hinang hina na si Casper, halos pabulong nalang siya kung mag salita at ang dami ng dugo na nawala sa kanya.














"Kapit ka lang ha? Dadating sila Samantha. Dadalhin ka namin sa hosp—" hinawakan niya ang kamay ko. Sobrang lamig ng kamay niya.













"C-can I ask y-you a f-favor." nagsimula ng mangilid ang luha ko. Pinipigilan ko ang sarili ko dahil ayokong makita niya akong nanghihina ako.












"P-please b-be happy wi-th h-him." hindi ko na napigilan ang sarili ko at napaiyak na ako. Ang sakit sakit lang, parang kapatid ko na din si Casper. Hindi ko man nasuklian yung ibang klaseng pagmamahal, pero mahal ko siya bilang kapatid at bilang kaibigan. In his final moments, Casper selflessly implored me to find happiness with Larcade, knowing that our love would endure beyond his sacrifice. With a shuddering breath, he bid farewell.












"Astley." hindi ko napansin na natapos na ang pakikipag laban ni Larcade sa mga armadong lalaki. Napatingin din siya kay Casper na ngayon ay hindi na humihinga. His gaze heavy with remorse.











"He spared me from death." yumuko siya. Pinunasan ko ang luha ko at hinawakan ko ang pisngi ni Larcade. Nag angat naman siya kaagad ng tingin.














"Hindi mo kasalanan." pilit akong ngumiti. Alam kong niligtas ni Casper si Larcade, para sakin.













"Tara na at baka—" magsasalita pa sana ako pero bigla nalang kaming nakarinig ng malaking pag sabog. At rinig na rinig lang namin kaya nasa malapitan lang talaga, agad akong pinatayo ni Larcade at hinila niya na ako paalis.














"Let's get out of here." huminto ako at agad akong napatingin kay Casper.











"Paano si Casper?!" binitawan muna ako ni Larcade at lumuhod siya sa harapan ni Casper.













"We'll return, I promise I will protect her and cherish her. I will pledged to you, to live not just for myself, but also for her." hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. Ang gusto ko lang mangyari ngayon, hanapin si Maia at pagbayarin siya sa pag patay niya kay Casper.

















The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now