[35] 𝗦𝗮𝘃𝗶𝗼𝘂𝗿

26 1 0
                                        

[ 𝗪𝗔𝗥𝗡𝗜𝗡𝗚: 𝗦𝗲𝗻𝘀𝗶𝘁𝗶𝘃𝗲 𝗖𝗼𝗻𝘁𝗲𝗻𝘁 𝗔𝗹𝗲𝗿𝘁
𝖳𝗁𝗂𝗌 𝗌𝗍𝗈𝗋𝗒 𝖽𝖾𝖺𝗅𝗌 𝗐𝗂𝗍𝗁 𝗆𝖺𝗍𝗎𝗋𝖾 𝗍𝗁𝖾𝗆𝖾𝗌, 𝗂𝗇𝖼𝗅𝗎𝖽𝗂𝗇𝗀 𝗏𝗂𝗈𝗅𝖾𝗇𝖼𝖾, 𝗁𝖺𝗋𝗆, 𝖺𝗇𝖽 𝗉𝗁𝗒𝗌𝗂𝖼𝖺𝗅 𝖺𝗍𝗍𝖺𝖼𝗄𝗌. 𝖱𝖾𝖺𝖽𝖾𝗋 𝖽𝗂𝗌𝖼𝗋𝖾𝗍𝗂𝗈𝗇 𝗂𝗌 𝖺𝖽𝗏𝗂𝗌𝖾𝖽. ]




[35]



𝗠𝗮𝗶𝗮 𝗗𝗲𝗮𝗻𝗱𝗿𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩






"Maia?!"








"Samantha?" sabay naming sambit nung bumukas ang ilaw. Ano naman ang ginagawa niya dito? Sa pagkakaalam ko, pakana nila 'to kung bakit nag desisyon akong pumunta dito.















"Anong ginagawa mo dito?" tss. Nakakairita ang isang 'to, buti nga binuhay ko pa. Pasalamat siya, mabait ako sa mga hayop.

















"I was about to ask you the same, ano nga ba ang ginagawa mo dito?" pag balik ko ng tanong ko sa kanya. Inirapan niya lang ako at ibinaba niya na ang kahoy na hawak niya, ganun din naman ang ginawa ko.














"Nakatanggap kami ng text message na pumunta daw kami dito." message? Strange. Dahil yun din ang dahilan kung bakit ako nandito ngayon, kung yun din ang natanggap nila ibig sabihin nun, hindi sila ang may pakana ng lahat ng 'to.
















"Don't tell me ikaw din?" I was surprised, ang kalmado ng boses. Parang hindi malaki ang galit sakin.

















Tumango lang ako. Wala akong gana makipag usap sa kanya, ang gusto ko lang makalabas ako dito. Kanina nung nakapasok ako, ilang minuto lang ang lumipas kusang nag sara ang pinto, at hindi siya nabubuksan hinampas ko na nga kanina ayaw pa rin.
















May nahulog na papel sa pagitan naming dalawa. Napalingon kami sa taas dahil dun galing yung papel pero tanging butas lang ang nakita namin. Hindi ako nagdalawang isip at pinulot ko iyon, may mensaheng nakalagay kaya binasa ko ng malakas.
















"May anim na tao dito sa loob ng building, lahat ay naka trap. Kung may isang mamamatay, mabubuksan ulit ang mga pinto." siraulo ba 'to?





















Napatingin ako kay Samantha. Hindi ko siya kaano ano at matagal ko na ding hiniling na mamatay siya, wala akong kahit na ano maliban lang sa kahoy na hawak ko. Binitawan ko ang papel at hinigpitan ko ang hawak ko sa kahoy na dala ko, walang sabi sabi ay itinaas ko iyon at binalak kong hampasin ulit si Samantha pero nanlaban siya.






















Hindi ko alam kung sino pa yung apat na nandito sa building na 'to. Hindi ko din alam, kung may Underboss din bang nagpunta dito. Wala naman akong napagsabihan tungkol dun sa natanggap kong mensahe na address lang ang laman, at eto nga ang address na yun.






















Wala kaming ibang ginawa ni Samantha kundi mag hampasan. Patay to kapag hinampas ko to ulit, rinig na rinig ko yung pag daing niya kanina nung nahampas ko siya at di niya pa ako nakikita. At sigurado akong may natamaan akong parte ng katawan niya na kung uulitin ko pa, pwede niyang ikamatay.
























The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now