[12] 𝗪𝗵𝗮𝘁 𝗪𝗵𝘆 𝗛𝗼𝘄

26 3 0
                                    

[12]




𝗗𝗿𝘆𝗸𝗲 𝗔𝗿𝗶𝘀𝘁𝗵𝗲𝘂𝘀 𝗣𝗢𝗩

Birthday ni Capo. Zayden, at ang lahat ay nagsipag na tapusin ang mga trabaho ngayon dahil maaga ang out namin. Mamayang hapon ay may salo-salo kami at nag imbita din ng banda si Ash Damian. Ngayon lang kami makaka-attend ulit ng salo salo pagkatapos ng ilang taon naming pagtatago.









Nakasundo kaagad ni Kinsley yung mga maliliit sa headquarters. Potek para silang mga bata kung mag sama-sama, si Kiara naman madalas kausap si Astley. Mas gusto ni Kiara makipag usap sa mga taong medyo kagaya niya na tahimik at medyo may kasungitan din, hindi ko makakalimutan nilagpasan lang ako ni Astley nung nakita niya ako sa hallway. Anak ng, parang hindi nakipag swimming sakin sa kanal nung bata pa siya ah.





"Kuya, sasama muna ako kina Exle. Mag aayos na kami." paalam ni Kinsley sakin. Tinignan ko ang oras at 3:12 pm pa lang, excited masyado ang batang 'to.





"Sige sige, mamaya na ako, mag ingat ah." tumango lang siya at agad na tumakbo papunta kina Exle. Si Exle hindi ko siya nakilala kaagad, akala ko nga nung una anak ni Capo. Zayden eh sobrang liit niya, mas maliit pa kay Kinsley.





"Done checking Mr. Reed's email, Dryke?" tanong ni Sreena, medyo kinailangan ko pa ng translator sa email niya, naka french ba naman.





"Sreena, kakasimula mo lang din ba?" nag 'hm' lang siya kaya hindi na ako nag tanong. Isa pa 'to eh, masyadong tahimik.



Kung may contest lang sa patahimikan, ilalaban ko si Sreena at Kiara eh.







"Why did you ask?" lumingon ako sa kanya at nakita ko siyang busy pa rin siya sa pag ta-type.




"Ah, nevermind. Hindi ka pa ba mag aayos?" tumingala siya para tignan ang oras na nasa itaas.





"Yeah, mag aayos na." tumayo siya at agad na naglakad paalis. Naiwan akong mag isa dito sa monitoring area ng LWA, nag sesend ako ng emails sa mga client habang inoobsernahan ang malaking cctv footage. Safe naman siguro kami mamaya dahil madami ang bantay.






At exactly 7 pm. Nagsimula na ang handaan, nandito na din yung banda na inimbita ni Ash Damian. Nabati ko na sin si Capo. Zayden kanina. Yung iba nagsasayawan na, nag iinuman.






"Pre, hindi ka iinom?" pasigaw na tanong ni Ash Damian, potek siguradong di na kami magkakarinigan mamaya.




"Ang aga pa masyado hahahaha" tumawa lang din si Ash Damian at nagpatuloy sa pag inom. Ang aga pa naman talaga, iinom din ako mamaya.





"Kakanta si Casper mamaya pre." si Casper?




Marunong ba yun kumanta? Baka biglang umulan dito potek.







"Marunong ba yun?" pasigaw na sagot ko kay Damian, tumawa na naman siya at tumango tango. Mamaya bubulagta na 'to sa kalasingan.






Ilang saglit lang, namatay ang iilang ilaw at yung party lights lang ang naiwan. Nakita kong umakyat si Casper sa stage, mukhang seryoso ngang kakanta siya ah.





"Good evening everyone. Firstly, I'd like to wish a very Happy Birthday to you, Capo. Zayden." nagsipalakpakan kaming lahat sa sinabi ni Casper, kakantahan niya ba si Capo? Anong kanta naman kaya?




"This evening, I would like to perform a song. However, this song is not for you capo, but for a special woman." natuon ang paningin niya sa table kung saan nakaupo si Kiara, Kinsley, Astley at Sienna.





The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now