[15] 𝗪𝗮𝘀𝗻'𝘁 𝗔𝗹𝘄𝗮𝘆𝘀 𝗘𝗮𝘀𝘆

27 2 0
                                    


[15] 

𝗔𝗰𝗰𝗲𝗹 𝗝𝗮𝘃𝗶𝗼𝗻'𝘀 𝗣𝗢𝗩




2 days after Rainenian's burial. Bumalik na din ako sa office para tumanggap ulit ng mga kaso. Hindi na ako masyadong nagpupunta sa basement dahil kailangan ko mag doble ingat.








Nagugutom ako ah, ilang araw na din akong nagda-diet, baka die na kasunod neto pota. Medyo ayos na naman ako deserve ko lumamon, maghahanap muna ako ng restaurant na may unli rice.








Mag oopen na sana ako ng maps nang bigla akong makatanggap ng message, galing sa unknown number. Nagtaka ako dahil wala pa naman akong tinatanggap na kaso ngayo, sino naman 'tong mag tetext sakin.















𝗠𝗲𝘀𝘀𝗮𝗴𝗲: 𝘏𝘪, 𝘴𝘪 𝘚𝘪𝘦𝘯𝘯𝘢 𝘵𝘰. 𝘍𝘳𝘦𝘦 𝘬𝘢 𝘣𝘢?











Natampal ko yung gwapo kong noo. Anak ng tupa, nakalimutan kong nag bigay pala ako ng calling card kay Sienna. Napangisi ako, yung isda na mismo lumalapit kaya bakit ako hihindi?









At isa pa, curious ako kung bakit panay banggit siya sa lolo ni Lotlot nung nalasing siya.










Nag reply ako sa kanya. Ayos din 'to may kasama ako sa pag lamon. Siguro naman may alam siyang pwede naming puntahan.


















---


Nandito kami sa isang seafood restaurant. Napangiwi ako, kitang kita ko yung pusit kanina gumagalaw pa. Bakit mukhang trip ng babaeng to kumain ng mga buhay na nilalang sa dagat?








"Libre na kita, bawal tumanggi. Tanggapin mo 'to bilang thank you." never akong tatanggi lalo na kung libre sa pagkain.







"Hindi ako tatanggi, bawal tanggihan yung grasya pero bakit dito tayo nag punta?" tumawa lang siya at sinimulan niya nang lantakan yung buttered shrimp.








May king crab, pusit, shrimp, cream dory na fish fillet at mga halamang dagat. Nagugutom na ako kaya nagsimula na din akong kumain, inuna ko na yung fish fillet mukhang masarap eh.







"Siguro natakot ka kanina dahil buhay pa yung pusit." mas nakakatakot pa rin si Boss Lucillious kesa sa gumagalaw na pusit.







"Ang weird kasi, nga pala kamusta kana?" uminom muna siya ng iced tea bago tumingin sakin.







"Ayos lang. Ngayon lang ako nakalabas ulit, dahil pinagbawalan muna ako ng guardian ko." kung titignan lang si Sienna, parang hindi siya sundalo. Parang normal na civilian lang siya.








"Delikado din yung trabaho niyo. Kung delikado yung trabaho ko, mas yung sa inyo. Baka  balikan kayo ng mga nakalaban niyo hindi ba?" tumango lang siya. Gusto kong matawa dahil yung isa sa mga kalaban nila, nasa harapan niya lang.








"By the way Accel, have you ever heard about Thatchers?" muntik na ako mabilaukan pero pinakalma ko yung sarili ko. Nagsisimula na siyang mag tanong, alam ko na kung ano ang kasunod neto.









Magpapatulong siyang hanapin yung taong naglilinis ng mga kaso ng Thatchers.







"Oo, usap usapan yan sa office eh. Hanggang ngayon hindi mahuli huli." nakita kong napabuntong hininga nalang si Sienna.






The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now