[38] 𝗧𝗶𝗺𝗶𝗻𝗴

21 1 0
                                    

[38]


𝗘𝗹𝗮𝗿𝗮 𝗡𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗶𝗲'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Hindi ako makapaniwala sa nakita ko. Si Kuya Sungit, kasama yung Sergeant ng LWA. At ang sweet nilang tignan ah, may relasyon ba sila? Nahihibang na ba si Kuya?








"Ahm, I think kailangan niyo mag usap. Kailangan ko na din bumalik sa ward." paalam ni girl at nagmamadali na siyang umalis. Sinundan ko lang siya ng tingin, what's the meaning of this? Bakit magkasama sila? Sinusuway ba ni Kuya sila Tita?











"What are you doing here, Elara?" hindi ako sumagot at tinignan ko lang siya ng masama.








"Anong tingin yan? Pft, ano nga ang ginagawa mo dito sin—"









"Nakalimutan mo na ba Kuya? May appointment ako kay Dr. Chavez ngayon. Nakakita ako ng taga LWA kanina kaya dito ako dumaan, and then nakita kita kaya lalapitan na sana kita pero dumating yung girl na yun." seryosong sagot ko. Hindi ko talaga alam ano magiging reaction ko, magagalit ba ako, kukulitin ko ba siya kung ano relationship niya dun sa girl, or maiinis ako dahil parang ang kalmado lang ng pinsan ko.












"What's your relationship with her, Kuya?" tanong ko sa kanya. Tinitigan niya lang ako at ganun din ginawa ko, sige Kuya magpatayan tayo gamit ang mata.











"Huwag mo muna sabihin 'to kay Mama, wala naman akong plano na ilihim ng matagal. Humahanap lang talaga ako ng tiyempo." hindi niya sinagot ang tanong ko, pero base sa mga sagot niya mukhang may relasyon nga sila nung soldier girl.














"Kuya, alam mo naman siguro ang consequence neto di ba? Saka ang gulo Kuya eh, baka naman ginagamit mo lang yung girl para maka-ganti sa mga LWA?" umismid siya at nag sign siya na sa kotse na kami mag usap.













Mukhang tama din naman ang naging desisyon niya, dahil baka may makarinig samin. Kahit fire exit pa, may mga tao pa ding dumadaan dito.












Sumakay kami sa car niya at habang nasa byahe kinwento niya sakin lahat. Plan niya pala at first na paibigin at iwanan sa ere yung girl, pero later on nahulog nalang din siya bigla. He's inlove, yet forbidden love yung pinasok niya. For sure, bubuga ng apoy si Tita at Tito kapag nalama nila yung ginawa ng pinsan kong loko-loko.











"Alam mo Kuya, habang maaga pa mas mabuting sabihin mo na sa kanila. Lalo kayong mahihirapan kung ganyan kayo palagi, mga pamilya niyo magkaaway, hindi magkasundo, kaya mahirap talaga." ang dami kong sinasabi, eh concern lang naman ako sa pinsan ko. Wala akong problema kung magkaroon ng gf si Kuya, ang kaso magiging problema talaga dahil opisyal sa kalabang grupo yung girl na yun.











"I know, Lara. But don't worry, everything will be fine. Kung gusto ko man ipaalam to kay Mama, sisiguraduhin ko muna na maayos ang mood niya." ngumiwi ako sa sinabi niya. Edi maghintay siya ng ilang taon niyan?













"Kailan ba naging maayos mood ni Tita, Kuya Pinsan? Maghihintay ka ng matagal." natawa nalang kaming dalawa kasi totoo, hirap kaya tiyempuhan na maayos ang mood niya. Kahit mag tanong nga di ko magawa kasi natatakot ako huhu.














Ilang minuto lang nakarating na kami agad sa bahay. Nag desisyon si Kuya na sasabihin namin una kay Anya kung ano yung ganap kanina. Unfair naman kung ako lang makaalam, kahit bata pa si Anya may right siya na malaman kunh ano ganap sa buhay ng Kuya niya.











The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now