[28] 𝗘𝘆𝗲𝘀 𝗗𝗼𝗻'𝘁 𝗟𝗶𝗲

22 3 0
                                    

[28]

𝗦𝗮𝗺𝗮𝗻𝘁𝗵𝗮 𝗭𝗶𝗻𝗻𝗲𝗮'𝘀 𝗣𝗢𝗩



Lumipas ang isang linggo simula nung nangyari ang kaguluhan sa hotel ng mga Thatcher, napansin ko na lagi nalang tahimik si Zayden. Usually kapag tatanungin ko siya, may kasunod na explanation pa yung oo at hindi niya pero ngayon? Oo at hindi nalang talaga sinasagot niya.








May problema kaya siya? Halos araw araw naman may problema talagang dumadating, hindi pa ba siya sanay?









"Sam, hindi mo ba talaga ako sasamahan?" tanong ni Sienna. Pinag grocery ko siya para may ambag naman.









"Kaya mo na yun, magpahatid ka kay Manong Jun." sagot ko. Si Manong Jun ang driver namin dito sa bahay, madami pa kasi akong aasikasuhin. Bukod sa LWA, may mga negosyo din naman kaming pinagkakaabalahan.









Dati naisip ko pa, na kapag naging sing laki ng corporations ng Thatcher ang business namin, gagamitin ko yun as sandata para mapalapit sa kanila at para sa mabilisang pag suko.










Pero patagal nang patagal, mas lumalaki ang corporation nila. Mahirap na pasukin tsk.












"I will call Accel nalang." nakangiting tugon ni Sienna. Ang arte, tanginang yan.









Kilala na namin si Accel Javion Fitzwilliam. Nililigawan niya si Sienna, hindi ko maintindihan bakit may pumatol kay Sienna. Lawyer at businessman pa talaga, siguro naka ilang sindi pa siya ng kandila bago siya niligawan nung tao.









"Working hours ngayon, iistorbohin mo talaga?" asik ko sa kanya.








Napatingin siya sakin. Yang itsura niya bang yan, diyan ba nagkagusto si Accel? Lol.









Magdadabog 'to.









"Ihh Sam naman eh! Akala ko ba okay sayo si Accel ha?" sinabi ko bang hindi? Yung kaartehan niya ang hindi okay.








"May sinabi ba akong hindi? Bakit ba kasi hindi mo papuntahin dito, eh ang sabi niya naman handa siyang humarap samin?" naupo ako sa sofa habang pinag mamasdan ko si Sienna na nag iinarte sa salamin.








"Ih, si Capo kasi iniisip ko. Baka kasi maging ginisa mix di ba?" so takot siyang gisahin ni Zayden? Eh normal lang yun dahil si Zayden ang tumayong ama niya.








"Mukha namang sanay si Accel diyan, maiba tayo, alam niya ba lahat ng tungkol satin?" tanong ko sa kanya. Nalaman ko na lawyer si Accel, I assume he heard about Thatchers. Baka siya pa ang makatulong samin sa paghahanap dun sa tagong lawyer nila.









"Alam niya. And actually, he's willing to help us. Ang dami niya nga dawng naririnig about Thatchers eh." o baka naman may pagka chismoso din na lalaki yun? Kaya bagay lang sila ni Sienna.












"Mam, may mail pong dumating pero si Sir Zayden po ang hinahanap." sabat ng isa sa mga kasambahay namin. Anong mail naman kaya yun?








Lumabas ako at hinarap ko yung mail man. Nung nalaman niya na gf ako ni Zayden, pinapirma niya lang sakin yung log book proof ata na ako ang nag receive. Importante siguro 'to.










The Causatum of Revenge: Thatcher SeriesWhere stories live. Discover now