Chapter 3

1M 12.4K 1.2K
                                    

Chapter 3


[Vianca's POV]


Kahit kailan, konsumisyon ka talaga, Lee Mitsui! 


Inirapan ko siya nang mapatingin ako sa kanya. Kung 'di lang dahil kay Mama Angela, hinding-hindi ko siya pagtitiyagaan. Humanda siya sa 'kin mamaya pag-uwi sa bahay.


Oo, kasama kong nakatira sa iisang bahay si Lee Mitsui Peterson. At 'yon ay dahil...


...ASAWA ko siya!


Actually, kaunti lang ang mga taong nakakaalam ng aming kasal. Isinikreto lang namin, dahil arranged marriage lang naman talaga iyon.


Si Mitsui kasi ay anak ni Ma'am Angela.


Si Ma'am Angela mismo ang humiling sa akin na pakasalan ko ang anak niya. Gaano ko man iyon gustong tanggihan, hindi ko magawa dahil na rin sa malaking utang na loob ko sa pamilya nila. Lalo pa't ipinangako ko sa sarili ko noon na kahit anong mangyari, l would repay the kindness that Ma'am Angela had shown me.



***

—ONE YEAR AGO—


"Mukhang problemado po kayo? Si Mitsui na naman po ba?" nag-aalala kong tanong kay Ma'am Angela habang kasalukuyan kaming nasa opisina. Pagka-graduate ko sa college ay nagtrabaho na ako bilang personal secretary sa law firm niya.


"Oo, hija. Napapadalas kasi ang pag-uwi niya sa bahay kasama ang iba't ibang babae." Ang tinutukoy ni Ma'am Angela ay ang bahay nilang matatagpuan sa isang exclusive village sa Makati.


"Natural lang naman po siguro 'yon sa mga lalaki sa panahon ngayon," sagot ko. Wala naman kasi akong masyadong masabi. Ang totoo niyan, kulang ang kaalaman ko pagdating sa takbo ng isip ng mga lalaki.


Hindi pa ako nagkaka-boyfriend. Ang mga lalaking kaeskwela ko naman, parang nakababatang kapatid lang ang turing sa akin dahil two years younger ako sa kanila. Ang ibang guys naman tila intimidated sa 'kin. Hindi sa pagyayabang, pero matalino kasi ako. Consistent dean's lister ako sa university namin.


"Sa tingin ko, sinasadya ng anak kong maging babaero para saktan sila sa bandang huli. Dahil iniisip niyang babae ang naging dahilan ng paghihiwalay namin ng daddy niya," malungkot na lahad ni Ma'am Angela.


Noon pa man ay madalas niya na itong maikuwento. Lumayo raw ang loob ng anak niya, dahil isa siya sa sinisisi nito sa pagiging broken family nila. Bata pa lang kasi si Mitsui nang maghiwalay silang mag-asawa.


"Time will come at magbabago rin po si Mitsui. Mare-realize niyang dapat pinapahalagahan ang mga babae. Maiintindihan niya kung bakit nangyari ang mga bagay na 'yon." Kahit papaano, gusto ko sanang pagaanin ang bigat ng kalooban niya.


"Ang ikinakabahala ko lang, paano kung bago dumating ang oras na 'yon ay nagkamali na siya sa mga desisyon niya? Kapag natali siya sa responsibilidad sa babaeng hindi naman karapat-dapat sa kanya." Bakas sa mga binitawan niyang salita ang takot at pangamba.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Maraming pwedeng mangyari. Paano kung halimbawa, mabuntis niya 'yong babae at mag-demand na pakasalan niya? Minsan tuloy naiisip kong ipakasal na siya. Tutal, dise-nuwebe na rin naman siya," dagdag pa niya.


"Baka po lalo siyang magrebelde kapag pinilit n'yo siya sa ayaw niya?" pagbibigay opinyon ko.


Hindi ko pa nakikita sa personal si Mitsui. Sa Maynila siya nakatira, samantalang nandito kami sa Baguio. Ang mommy niya ang laging lumuluwas ng Maynila para dalawin siya.


"Ewan ko... Hindi ko na rin alam kung anong dapat gawin kay Mitsui," naguguluhang tugon sa akin ni Ma'am Angela.



**********

Author's Note:


Ang FLASHBACK PART ng story na ito ay tatagal ng maraming Chapters.


Hangga't wala pa po akong sinasabing back to present scenes (Chapter 1-2) ay nasa flashback pa rin tayo.


Gusto ko lang i-narrate kung paano nagkakilala sina Mitsui at Vianca, at kung paano siya naging instructor sa mas detalyadong paraan.


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon