EPILOGUE

886K 16K 3K
                                    

-ONE YEAR LATER-


[Vianca's POV]


Nasa cafeteria ako nang may dalawang lalaking lumapit sa puwesto ko.


"Good morning." Nagsalita 'yong isa sa tapat ng table ko.


"Good morning, too. Anong kailangan ninyo?" nakangiti kong tanong.


"Ah... ano..." nag-aalangan niyang sagot.


"Dali na, pare. Sabihin mo na," mahinang utos naman ng kasama niya, sabay tulak pa sa kanya. Nagmukha tuloy itong back up ng natotorpeng kaibigan.


"Have a seat." Inalok ko sila ng mga bakanteng upuan sa harap ko. Kinuha naman nila ang tig-isang silya at magkatabing naupo.


"Ms. Vianca, hindi kasi namin naintindihan ang sagot sa exam n'yo kanina sa Transfer and Business Taxation. Pwede po bang paki-explain ulit?" May inilapag siyang test paper sa lamesa.


"Sure. Let me see. Alin ba dito?" Kinuha ko ang naturang papel.


"Item number 8 po." Itinuro naman niya kung saang parte. Estudyante ko sila sa subject na Taxation 12.


"Alright... In item #8, to compute for the net taxable estate and estate tax, the gross estate should be lessened by ordinary and special deductions. Here, take a look at this." Gumawa ako ng sample computations at ipinakita ko sa kanila.


Pero habang dini-discuss ko ito ay napansin kong imbes na sa answer sheet, sa akin panay ang titig ng dalawa. Na-conscious tuloy ako. May dumi ba sa mukha ko?


Sinulyapan ko sila at nahuli kong nakatitig nga sila sa akin.


"Ahem!" Tumikhim ako, kaya agad silang umiwas ng tingin.


"Let's proceed. Like I've said, this amount which is the total deductions, ibabawas 'to sa gross estate." Masusing ipinaliwanag ko pa rin sa kanila ang sagot sa exam.



***

"Ah... ano... okay na po, Ma'am." Nagpapaliwanag pa nga ako, ngunit binawi na nila ang papel na hawak ko. Aish! Walang manners.


Nag-angat ako ng tingin upang sitahin sana ang magkaklase, pero nagulat ako nang makita kong bigla na lang sumulpot sa table namin si Mitsui.


"It would have been better if you had studied your lessons instead of stalking your professor. Don't use your exam result as an excuse to talk to her. Stop wasting her time." Sermon ang inabot sa kanya ng mga students ko.


"Opo... sige po... Ms. Vianca, thank you po sa oras n'yo." Mabilis na tumayo at nagmamadaling umalis ang dalawa.


"Grabe ka naman, Mitsui. Tinakot mo pa 'yong mga estudyante ko," nagrereklamong sabi ko sa kanya pagkaupo niya sa tabi ko.


Nagkibit-balikat siya. "Binabantayan lang kita."


"Wushu! Selos mode ka na naman. Pati mga college students, tinatawag mo pang stalkers ko." Madalas na basta-basta na lang siya nagpapakita dito sa Southern Yale University. Ayon nga kay Ashley, parang binabakuran na daw ako.


"Tingnan mo nga 'to." Humarap ako sa kanya para makita niya ang tiyan ko. "Ilang buwan pa, malaki na ang tummy ko. Sa ganitong lagay, aba may magkakagusto pa kaya sa 'kin? Maski nga sa 'yo, baka hindi na ako attractive sa paningin mo."


Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon