Chapter 15

896K 11.2K 682
                                    

Chapter 15


[Vianca's POV]


Pagkagising ay dumiretso agad ako sa dining area kung saan nadatnan kong abalang naghahanda ng breakfast si Manang Flor.


"Good morning po, Manang."


"Hija, halika na. Maupo ka na rito at nang makapag-almusal ka na," yaya nito sa akin.


"Sige po." Sinunod ko nga si Manang at umupo na ako sa dining seat.


"Kukunin ko lang saglit 'yong iba pang ulam," sabi nito bago pumunta sa kusina.


Tumango na lang ako kay Manang, subalit wala ang atensyon ko sa mga pagkaing inihahanda nito sa mesa.


Malamang, gaya ng nakasanayan, pang-isang tao lang ang ihahanda nitong almusal. Hindi ko na naman kasabay kumain si Mitsui, dahil mas pinipili pa niyang kumain sa labas kaysa makasalo ako. As usual, wala pa ring improvement ang relasyon namin.


Lagpas isang linggo pa lang, ten days to be exact, mula nang lumipat ako dito sa bahay. Pero pakiramdam ko, halos isang buwan na akong nakatira rito. Nakaka-bore na rin talaga ang walang ginagawa. Buti sana kung may iba akong pinagkakaabalahan dito.


Si Mitsui nga lang yata ang nag-eenjoy sa ganitong setup. Kung makaasta siya ay tulad pa rin ng dati, feeling single at panay lang ang pakikipag-flirt sa ibang babae. Maaga siyang umaalis ng bahay at inaabot naman ng hatinggabi sa labas.


Hindi ko alam kung sadyang busy lang siyang tao, o sinasadya niyang palaging wala dito para bihira lang kaming magkita.


Ginagamit ba talaga ni Mitsui ang utak niya? Kung umiiwas siyang parati kaming magkita, eh bakit siya pumayag sa ideya ng lola niya na magtrabaho ako sa school nila?


Bahala siya sa buhay niya. Magsawa siya at pagtiyagaan niyang araw-araw makakasalubong niya ang pagmumukha ko sa hallway ng Yale University.


"Ang aga-aga, nakasimangot ka na agad diyan." Lumapit si Manang at inilapag ang dalang tray sa ibabaw ng hapag-kainan.


Ngayon ko lang napansin na para sa dalawang tao pala ang nakahanda sa mesa. "Manang, salamat naman at sasabayan n'yo akong mag-breakfast. Nakakawalang gana kasing kumain nang mag-isa lang."


"Ah, hindi 'yan para sa akin, Vianca. Kay Mitsui 'yan. Sasabay raw siya sa 'yong mag-agahan ngayon."


"Ha? 'Di ba maaga siyang umaalis ng bahay? At saka hindi naman 'yon sumasabay sa 'kin," hindi naniniwalang sabi ko.


"Nasa kwarto pa siya. Bumaba siya kanina at nag-utos na ipaghanda ko rin siya ng makakain," paliwanag ni Manang. "Sandali lang ulit, kukunin ko muna 'yong asukal at ipagtitimpla ko kayo ng kape," sabi pa nito. Saka muling nagtungo sa kusina.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon