Chapter 66

574K 10.3K 1.1K
                                    

Chapter 66


[Vianca's POV]


Lumipas ang mga araw na wala akong narinig na anumang balita mula kay Mitsui.


Ang iniisip ko noong una ay baka busy lang siya, kaya hindi muna nagpapakita sa amin ni Lei. Pero lagpas dalawang linggo na, wala pa rin kaming komunikasyon sa kanya.


"Vianca, nagpapalamig lang 'yon. Baka nagbabakasyon sa isang isla," sabi sa akin ni Ashley. Nandito siya ngayon sa bahay para kunin ang naiwan niya pang mga gamit.


Nasa sala kami pareho. Siya nakatambay at nakikipagkuwentuhan lang, habang ako naman ay inaasikaso ang mga school materials na gagamitin ko.


Napunta ang usapan namin kay Mitsui, kaya nabanggit ko sa kanyang two weeks na nga ang nakakaraan pero hindi pa siya ulit nagpaparamdam sa amin ni Lei.


"Baka nagre-refresh sa Boracay. Para makaiwas muna sa mainit na panahon at sa init ng ulo mo." Binigyang-diin niya talaga ang mga katagang "init ng ulo."


Oo na! Alam ko kung anong ipinapakahulugan niya do'n. Inaway ko raw si Mitsui, kaya hindi nagpapakita sa amin.


"Nagbabakasyon grande lang 'yon. Sa lugar kung saan maraming nakapalibot na sexy at magagandang babae. 'Yong mga tipong sweet at mabait ang ugali, hindi 'yong hina-hard siya." Halata sa tono ng pananalita ni Ashley na pinaparinggan niya ako.


"Eh 'di maghanap siya ng easy to get. Ang dami namang naglipana diyan sa kalye," hindi interesadong sagot ko. Nakayuko lang ako habang patuloy na nagsusulat sa class records na ginagawa ko.


"Kaya nga magpa-hard to get ka lang, Vianca. Mainam yan. Kaunti na lang kayong natitirang ganyan. For sure, ikauunlad yan ng Pilipinas," sarcastic na tugon niya naman sa akin.


Minsan matalas talaga ang tabas ng dila ni Ashley. Pinagpapasensiyahan ko na lang. Sanay na rin naman ako.


"Pero, talaga? Okay lang sa 'yo?" pangungulit niya 'di kalaunan.


Mula sa sulok ng mga mata ko ay nakita kong bahagyang lumapit ang mukha niya. Parang binabasa niya kung totoo ba ang naging reaksyon ko.


"Naku! Ang duda ko sumuko na 'yon sa 'yo. Ang hirap mo kasing suyuin. Nag-effort na nga 'yong tao, hindi mo man lang na-appreciate. Imbes na maging masaya, nagalit ka pa." Hindi pa rin siya humihinto sa pangongonsensiya niya.


"YAH! Hindi ka pa ba titigil!" singhal ko kay Ashley. Inis na hinampas ko sa ibabaw ng mesa ang hawak kong ballpen.


"Tama na! Oo, kasalanan ko na. Nadala lang talaga ako ng galit ko sa ginawa ni Mitsui at ng assistant niya. Tapos idagdag mo pang nag-PMS ako ng araw na yun." Inaamin ko na may mali rin ako sa mga pangyayari.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon