Chapter 73

535K 9.3K 957
                                    

Chapter 73


[Vianca's POV]


Naalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumatagos mula sa bintana.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Naramdaman ko ring tila may mabigat na bagay na nakadagan sa bewang ko. Nang magmulat na ako ng mga mata ay nakita kong braso pala iyon ni Mitsui. Dahan-dahan kong inalis ang kamay niya, nag-iingat na baka magising siya.


Tiningnan ko si Lei sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa ang tulog nito.


"Alas-siyete na pala," bulong ko matapos kong sulyapan ang wall clock sa taas. Kaya pala maliwanag na.


Nang ibalik ko ang paningin ko kay Mitsui ay ang lalim pa rin ng tulog niya. Late na rin akong natulog kagabi, pero hindi ko na namalayan kung anong oras siya nakatulog.


Napaisip akong bigla. Paano nga ba ako dinalaw ng antok kagabi?


Base sa natatandaan ko, umulan nang malakas na may kasama pang kidlat. Ayaw mawala ng takot ko pero nang niyakap niya ako, napanatag na ang loob ko at saka lang ako nakatulog. Kaya nga kahit panay ang hirit niya ng kung anu-anong mga kapilyuhan kagabi, nagpapasalamat pa rin ako na lumipat siya dito sa kwarto ko.


Humiga ako paharap kay Mitsui. Bigla kasi akong na-tempt na tingnan siya habang tulog. Gusto kong samantalahin ang pagkakataon na wala siyang kaalam-alam na pinagmamasdan ko siya.


Ilang minuto ko ring pinagsawa ang mga mata ko sa kanya. Sa halos perpekto niyang mukha na kahit limang taon na ang lumipas ay hindi man lang nabawasan ang kagwapuhan.


"Tsk! Nakakainis. After five years, kahit nag-mature na ang hitsura mo, ba't parang mas lumakas ang appeal mo ngayon?" mahina kong sabi. Tulog naman siya, kaya okay lang 'yon. Hindi niya naman ako maririnig.


Hindi ko namalayan na hinahaplos ko na pala ang mukha niya. Naglandas ang mga daliri ko mula sa kilay niya, patungo sa matangos niyang ilong at pababa sa kanyang mga labi.


Umusog pa ako palapit sa kanya at na-aamuse ko siyang pinagmasdan.


"Bakit ang unfair ni Lord? Kung sino pa 'yong gwapo na masama ang ugali, siya pa ang nagustuhan—" Nabitin sa ere ang pagsasalita ko nang bigla siyang dumilat.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon