Hi, my dear readers! Thank you sa pag-support ng MMA.. 'Di pa sana ako makakapag-UD kaya lang may natanggap akong message galing sa wattpad, ang sabi... "Your story Marrying Mr. Arrogant is one of Wattpad's most-read stories of all time." 💐 Bigla akong sinipag kaya heto na po ang update. 💝💞
___________________
Chapter 44
—After One Month—
"Wake up! Sige ka, late ka na namang papasok sa trabaho!" Niyugyog ni Ashley ang binti ko.
"Ano ba? Kita mong natutulog pa nga 'yong tao," pasinghal na reklamo ko sa kanya bago nagtakip ng unan sa mukha. "Ang aga-aga nang-iistorbo, eh inaantok pa ako."
"Tse! Bahala ka nga sa buhay mo." Inis na nagmartsa siya palabas ng kwarto.
Inalis ko na ang unan at niyakap ko na lang ito. Tinatamad pa talaga ako. Pero 'di nagtagal ay napilitan din akong bumangon. Maaga kasi ang klase ko ngayong araw.
Makalipas ang isang oras ay nagawa ko na ang lahat ng dapat kong asikasuhin. Naligo at nakapag-almusal na rin ako.
"Relax ka lang diyan, baby. Kapit ka lang nang maigi sa tiyan ni Mommy," sabi ko habang nag-aayos ng sarili sa harap ng salamin. Nakasanayan ko na kasing kausapin si baby tuwing umaga.
Bahagya akong tumagilid sa salamin at tiningnan ko kung halata na ba ang baby bump ko. Mukhang hindi pa naman. Actually, mga maluluwag na damit talaga ang pinipili kong isuot pagpasok sa school para hindi mahalatang lumalaki ang tiyan ko.
***
Papunta akong Admin Office nang makasalubong ko si Mitsui. Katulad ng ilang beses na ganito rin ang nangyari, hindi ulit kami nagpansinan na animo'y hindi kami magkakilala.
Sa totoo lang, inaamin kong nasasaktan ako. Sobrang nakakalungkot pala kapag ang dalawang tao na noon alam ang halos lahat ng bagay sa isa't isa, ngayon ay nagtuturingan nang estranghero tuwing nagkikita.
Humiling lang naman ako sa kanya ng pansamantalang hiwalayan. Hindi ganitong sobrang cold ng pagtrato niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...