Chapter 40

803K 9.5K 1.3K
                                    

Chapter 40


[Vianca's POV]


"Heto na 'yong pinabili mo." Inilapag ni Ashley ang bitbit niyang plastic bag sa ibabaw ng mesa.


Kadarating lang niya galing sa trabaho at nagbilin ako sa kanyang bumili siya ng manggang hilaw pag-uwi niya. 'Yon kasi ang pinaglilihian ko.


"Nasaan na? Bilis, kanina pa kita hinihintay," reklamo ko.


"Aba! Demanding kang babae ka! Ikaw na nga 'tong wagas kung makapag-utos, nagrereklamo ka pa!" saway niya sa akin. "Kung hindi ko lang kayo mahal ng baby mo, isinauli ko na kayo doon sa hinayupak mong asawa."


"Bakit? Nagsasawa ka na ba sa pagpapatira mo sa 'kin?" nakasimangot na tanong ko.


Tatlong linggo pa lang naman akong nakikitira dito sa pad niya. Wala naman akong ibang malilipatan. Simula nang hindi na ako umuwi sa condo ni Mitsui, hindi na rin ako pumasok sa trabaho kaya wala akong income ngayon.


"At saka 'wag mo nga munang ipaalala si Mitsui. Sumasama lang tuloy ang loob ko," angal ko sa kanya.


"Yan! Hindi ka nakinig sa mga warning ko sa 'yo dati, kaya 'yan ang napala mo. Ang problema kasi sa 'yo, ibinigay mong lahat kay Mitsui. Samantalang ang lalaking 'yon, hindi man lang willing na ibigay sa 'yo ang kahit kalahati ng meron siya." Ayan na naman si Ash, inuumpisahan na ang walang katapusang sermon sa akin.


"Alam niya namang may asawa na siyang nagmamay-ari sa kanya, nagpapalandi pa rin sa iba. Naku, kapag 'yan si Mitsui inangkin din ng China, ibigay mo na agad kahit 'di pa kinukuha."


"Bakit ka ba ganyan? Imbes na damayan mo ako, sinisisi mo pa ako!" bulyaw ko sa kanya. Nagtatampong tinalikuran ko siya at tinungo ko na lang ang kwarto ko. Alam ko na ngang nagkamali ako, tapos kailangan pang paulit-ulit na ipaalala.


Pagpasok ko sa loob ay namalayan ko na sumunod din sa akin si Ashley, kaya huminto ako sa paglalakad.


"Ito naman. Tampo agad." Niyakap niya ako mula sa likod. "Siyempre, sino pa bang mas concerned sa 'yo? Walang iba kundi ako na best friend mo."


Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko dahil sa sinabi niya. Hinarap ko na siya at ngumiti ako sa kanya. "Pasensiya ka na kung nagiging sobrang sensitive ako. Dahil na rin siguro dito..." Hinawakan ko ang aking tiyan.


Ngumiti rin siya. "Okay lang 'yon. I understand. Normal lang naman sa buntis ang maging moody at sensitive," sagot niya. Pasalamat na lang din ako dahil napakamaunawain niyang kaibigan.


"By the way, ano nga pala talagang plano mo? Three weeks ka nang hindi pumapasok sa school. Two weeks lang 'yong leave mo, kaya isang linggo ka nang absent. Tinatanong ka nga ng mga co-teachers natin. Ang sabi ko may sakit ka pa. Nagtataka na nga rin ang mga students mo, kasi ang tagal mong nawala."

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon