Chapter 62
[Vianca's POV]
"Oo, anak mo si Lei. Anak natin siya!" Mariin akong napapikit habang inaamin kay Mitsui na siya ang tunay na ama ni Lei.
Naiipit na ako sa sitwasyon, kaya kailangan ko nang aminin sa kanya ang katotohanan. Wala na rin namang silbi na itago ko pa sa kanya ang lihim ko, dahil nakita niya na mismo ang anak ko.
"Hey! Let go of my mom! You are hurting her! Bitawan mo ang mommy ko! I'm here to protect her."
Muli akong napamulat nang marinig ko ang matapang na sigaw ni Lei. Namalayan ko na lang na pilit na nitong itinutulak si Mitsui papalayo.
Binitawan niya ang magkabilang balikat ko at kasunod noon ay bumaling siya kay Lei.
Pinagmasdan ko lang siya nang lumuhod siya sa harap nito upang maging magkapantay silang dalawa. Ginulo pa niya ang buhok nito.
"You're such a brave young man. You can hit me if you want. I'm a bad guy who hurt your mom in many different ways."
Nangilid na naman ang luha sa mga mata ko nang mapakinggan ko si Mitsui. May pakiramdam ako na sa akin niya gustong iparating ang lahat ng sinasabi niya. Alam kasi niyang nakikinig lang ako sa tabi niya.
The bad guy who hurt your mom in many different ways.
Hindi ko mapigilan ang muling pagpatak ng mga luha ko. Naalala ko ang lahat ng pinagdaanan ko noon. Kung paano niya ako sinaktan sa maraming paraan—sa sexual, emosyonal at pisikal na aspeto.
"I have caused her so much pain."
Tama siya. Nagawa niya akong saktan nang sobra-sobra at higit pa sa dapat kong maramdaman. Nabawasan ang respeto ko sa sarili, dahil sa mga pang-aabusong dinanas ko mula sa kanya.
"And before I could realize my mistakes, she was already gone. It was already too late. She left me without a word."
Hindi ko inaasahan ang sumunod na sinabi niya. Kung gano'n, dumating pala sa point na pinagsisihan niya ang mga ginawa niya laban sa akin. At huli na nang matauhan siya sa mga kasalanan niya, kasi iniwan ko na siya.
Pero hindi niya rin ako masisisi kung iniwan ko man siya, dahil hindi ko na talaga kaya. Kailangan ko nang sumuko sa mga panahong 'yon!
"Lei, halika na—"
Kumilos na ako at akmang babawiin ko na sana si Lei nang matigilan ako sa dapat sana'y gagawin ko. Muli kasi itong nagsalita.
"Wag po kayong umiyak. I'm not going to punch you, Uncle Handsome."
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...