Chapter 72
[Vianca's POV]
"Mommy, totoo po bang may monster?" untag ni Lei pagpasok namin sa kwarto.
"Ah, oo... Nakita mo 'yong madilim na sulok sa may ibaba ng staircase? May nagtatago doon." Hinatid ko na siya diretso sa higaan.
Pero sa halip na humiga kaagad sa kama ay umupo muna siya sa gilid nito. "Then does it mean, it's not safe to stay here? Buti pa pala 'yong house natin sa Davao, kasi walang monster do'n."
"Safe naman tumira dito." Naupo ako sa tabi niya at inayos ko ang butones ng suot niyang pajama. "Kaya nga lang, kailangan nating magdoble ingat."
"Why po?"
"Dahil kahit anong oras pwedeng umatake 'yong monster. Wala siyang pinipili, araw man o gabi, naghahanap siya ng mabibiktima," pananakot ko. Masyado kasi siyang matanong, baka sakaling matakot at matulog na.
"Eh, paano po si Dad? Is he aware of that monster? We need to warn him," worried na sabi niya.
"Hayaan mo na ang tatay mo. Malaki na 'yon. Kaya na niyang protektahan ang sarili niya. Sige na, sleep ka na," sagot ko sa kanya.
"Wait lang po. I'm thirsty." Itinuro niya ang tumbler na nakalagay sa ibabaw ng bedside table.
Kinuha ko naman iyon at iniabot sa kanya. Nakasanayan na kasi niyang uminom muna ng tubig bago matulog.
"Thank you po." Ibinalik niya sa akin ang lalagyan. "But you know what, Mommy? Kanina paglabas ko dito sa bedroom, I thought Dad turned into a vampire!"
"Ha? Bakit magiging gano'n ang daddy mo?" Ngayon naman, ako ang nagtatakang nagtanong sa kanya.
"Kasi po it was little bit dark outside. Nakatalikod po si Daddy, and then I saw him leaning towards you. Akala ko po kasi he's biting your neck, like what vampires usually do when they suck the blood of their victims. 'Yon pala, he was only giving you a goodnight kiss."
Napainom ako sa tumbler na hawak ko. Bigla akong nauhaw sa sinabi ni Lei, kaya muntik ko nang maubos ang natitirang tubig na laman nito. Naalala ko kasi nang hinalikan ako kanina ng daddy niya.
Buti na lang dumating si Lei, kundi baka kung saan na nauwi ang "goodnight kiss" na 'yon. Kilala ko pa naman si Mitsui, hindi siya basta-basta titigil kapag nakakita ng tiyansang makapag-take advantage.
"If monsters really exist, then is it possible that Dad can transform into a vampire?" pagpapatuloy ni Lei sa imahinasyon niya na siyang nagpabalik naman sa akin sa realidad.
BINABASA MO ANG
Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)
Romance[PUBLISHED UNDER SUMMIT MEDIA] Love. Sacrifice. Forgiveness. Although Andrea Vianca seems like a typical girl at Southern Yale University, she doesn't quite fit in. Hindi naman kasi siya anak-mayaman tulad ng halos lahat ng estudyanteng...