Chapter 55

723K 9.8K 1.1K
                                    

Chapter 55


[3rd Person POV]


Isang oras na ang nakalipas at nasa loob lang ng kanyang sasakyan si Mitsui. Dito na lang niya piniling manatili, imbes na bumalik pa ulit sa party.


Hindi niya naman magawang umalis, dahil na kay LuHan ang susi ng kotse niya.


Sana pala hindi na lang siya sumama sa event na 'yon! Oo nga at nakita niya si Vianca. Pero hindi niya gugustuhing sa ganitong sitwasyon. Gagong Dwayne 'yan! Nag-propose agad ng kasal, ni hindi man lang nga muna inalam kung divorced na ang niyayang pakasalan.


Naikuyom niya nang mahigpit ang mga palad. Hindi pa sila legal na hiwalay ni Vian. Walang sinuman ang maaaring makisawsaw sa relasyon nila.


"I will win her back! Del Fierro, you're just engaged. But, Vianca and I, we are still married! I swear, I'll get her back."


Bigla siyang nabuhayan ng loob sa katotohanang mas may laban pa naman talaga siya kay Dwayne dahil kasal pa rin sila ni Vianca. Desidido siyang bawiin ang dapat na sa kanya.


Bumaba na siya ng kotse at dali-dali niyang tinungo ulit ang pinagdarausan ng party na sa mga oras na iyon ay patapos na.


Pagdating niya sa may garden ay nakasalubong niya sina Zania at LuHan.


"Mitsui, where have you been wandering around? I thought you already left us." Medyo tipsy na si Zania, kaya inaalalayan na ito ng PA niya. Naparami yata ng inom.


"Boss, halika na. Uwi na tayo. Lasing na 'to oh," tukoy pa rito ni LuHan.


"Go ahead first. I need to go somewhere," utos niya.


"Pero, Boss.." Mangungulit pa sana si LuHan, kaya pinukol niya ito ng matalim na tingin.


"LUHAN!" He said with gritted teeth. Sapat na iyon upang mapasunod niya ang alalay na sadyang matigas ang ulo.


Pagkaalis nina LuHan at Zania ay nagmamadali na niyang hinanap kung nasaan na si Vianca. Tiyempo namang paglingon niya sa kaliwang bahagi ng mansyon ay nakita niyang papalabas ito mula roon.


Mabilis niya itong nilapitan. Hindi namalayan ni Vianca na nasa likod siya nito, kaya sinabayan niya ito sa paglalakad.


Nang makakuha siya ng pagkakataon ay saka niya ito pinigilan at hinawakan sa siko.


Laking gulat ni Vian nang humarap ito sa kanya.


"M-mitsui..."


Narinig niyang iniusal nito ang pangalan niya. Halata sa mukha nitong nabigla ito nang muli siyang makita. Bahagya pang napaawang ang bibig nito.

Marrying Mr. Arrogant (PUBLISHED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon